^

PSN Opinyon

Palitang P35:$1 'pabor sa masa'

SAPOL - Jarius Bondoc -

HANGAD ni Ramon S. Ang, president ng San Miguel Corp., na tumatag ang piso. Sana raw huwag nang pi­gilan ng Bangko Sentral ang paglakas nito, para umabot sa palitang P35:$1, mula sa kasalukuyang P43.50:$1. Sa unang tingin, ani Ang, makakawawa ang overseas Filipino workers kung mangyari ito. Imbis na mas marami ang mabibili ng pamilya nila sa bawat $1 o P43.50 na remittance, mababawasan kung P35 na lang.

Pero pangmatagalan ang pananaw ni Ang. Aniya kung tumatag ang piso, mas mumura ang imports. Pangunahin dito ang langis, bigas, at kemikal para sa gamot atbp. Kung magmura ang langis, magmumura rin ang lokal na produkto’t serbisyo. Muli pangunahin dito ang pagkain, transportasyon, kuryente, construction supplies, at manufacturing. Hindi lang siyam na milyong OFWs ang makikinabang sa pagmura ng bilihin. Pati 30 milyong natitirang labor force ay tatamasa. Sisipa ang ekonomiya; lalago ang kalakal. Magkaka-trabaho ang masa. Kung mas maraming may pera sa bulsa, mas marami muling mabibiling produkto at serbisyo. Patuloy ang pagsigla ng kabuhayan.

Meron pang ibang rason kung bakit dapat agad patatagin ang piso, hanggang sa P35:$1 na hangad ni Ang. Ito ay ang pagsangga sa matinding epekto ng napipintong pandaigdigang krisis sa pagkain.

Forecast ni Nouriel Roubini, na nag-predict ng kasalukuyang financial crisis sa America, na magkaka-shortage kaya mamahal ang presyo ng pagkain mula 2011. Nagsimula na nga ito noon pang huling quarter ng 2010. Dahil­ sa matin­ding bagyo, yelo o tagtuyot sa iba’t-ibang taniman sa mundo, bumabagsak ang ani ng bigas, mais at iba pang staples. Kasabay nito, nagmamahal masyado ang langis kaya tumataas din ang gastos sa food processing. Sa paglaki ng populasyon, dumadami ang dapat kumain, anang Food and Agriculture Organization.

Ang pinaka-tatamaan ng krisis ay mga bansa sa Asya na malalaki ang populasyon pero maliit ang kita: Pili­pinas, Indonesia, India.

ANIYA

ASYA

BANGKO SENTRAL

DAHIL

FOOD AND AGRICULTURE ORGANIZATION

IMBIS

NOURIEL ROUBINI

RAMON S

SAN MIGUEL CORP

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with