^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Madaling pagkakitaan ang illegal na droga

-

TAMA ang sinabi ni Teresita Ang See na kaya maraming Pilipino ang nahuhumaling sa “pagbi­bitbit” ng droga o “drug mules” ng mga sindikato ay dahil madaling kumita ng pera rito. Nasanay na sa “madaling pagkita” ng pera ang ilang Pinoy kaya naman nahirati na sila sa ganitong trabaho. Ayon kay Ang See, kumikita nang malaki ang “drug mules” kaya nakapagpapagawa sila nang malaking bahay at nakabibili ng kung anu-ano pang luho sa buhay. At ang ginagawa ng “drug mules” ay alam diumano ng kanilang pamilya. Ayon kay Ang See, ang tatlong Pinoy na nahuli sa China ay alam na droga ang kanilang dala. Imposible raw na hindi nila alam na droga ang kanilang dala gayung limang kilo ang kanilang bitbit. Mahahalata dahil mabigat ito. Nasanay na sa “easy money” ang ilang Pilipino kaya patuloy silang nagpapagamit sa sindikato.

Maraming nagsasabi na ang kahirapan ng buhay ang nagtutulak kaya marami ang nagpapagamit sa sindikato ng droga. Binabayaran ang “drug mules” mula $500 hanggang $5,000. Ang ibang “drug mules” ay pumapayag na lunukin ang may 40 heroine para lamang maipasok ang droga sa target na bansa. Kapag nailusot ang droga, tiyak na ang pera at dollars pa. Ipinaliwanag ng isang nagkunwaring “drug mules” kung paano ang paglunok ng heroine na nasa capsula. Inaabot umano ng limang oras o mahigit pa bago malunok ang mga kapsula. May pagitan ang paglunok sapagkat maaari raw sumabog sa bituka ang kapsula. Para mailabas ang droga, kailangang uminom muna nang isang uri ng oil para sumama sa dumi ang mga nilunok.

Kadalasang babae ang ginagamit ng sindikato na “drug mules”. Ang China ang may pinakamaraming Pinoy na nakakulong dahil sa droga, 227 at 70 umano rito ay nasa death row. Pero sa kabila na mahigpit ang batas laban sa illegal drugs, marami pa rin ang pumapayag maging “drug mules”.

Nasanay na sa pagkita nang “madaling pera” ang ilang Pilipino at kapag nahuli ay ikakatwiran na sila ay nalinlang at naloko. Ikakatwiran din na mahirap daw ang buhay kaya sila pumasok na “drug mules”.

Dapat bang kaawaan ang mga Pinoy na ganito ang prinsipyo?

ANG CHINA

ANG SEE

DROGA

DRUG

MULES

NASANAY

PILIPINO

PINOY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with