PANAHON na para lansagin ang nakagawiang practice na pagtatalaga ng mga opisyal ng mga ahensya ng pamahalaan na taga-labas. Kung taga-loob ang hihirangin ng isang tanggapan, mas magiging episyente ang ahensya dahil ang mamumuno ay kabisado na ang pasikutsikot dito.
Isang halimbawa si yumaong dating Budget Secre- tary Emilia Boncodin na naging mahusay na budget chief at hindi kumunsinti sa anomalya ng administrasyong kanyang pinagsilbihan. Kasama si Boncodin sa tinatawag na “Hyatt 10” na nagbitiw sa administrasyong Arroyo dahil sa ilang akusasyon ng katiwalian.
Tama ang ilang Senador sa panawagan kay Presidente Noynoy Aquino na piliin ang isang career official kung sakaling papalitan si Commission on Audit (COA) chairman Reynaldo Villar. Si Villar ang kontrobersyal na COA chief na sinasabing tapos na ang termino ay “kapit-tuko” pa rin sa puwesto.
Sa kaso ng COA, sinabi ni Senate Pro-Tempore Jinggoy Estrada na dapat ikonsidera na mula mismo sa loob ng COA ang gagawing hepe ng ahensya. Pero siyempre dapat maglagay ng criteria sa paghirang ng sino mang opisyal kahit pa taga-loob at ibase sa magandang performance record. Hindi lang mahusay kundi walang bahid ng katiwalian ang itatalagang hepe ng ano mang tanggapan.
Ayon naman kay Sen. Migz Zubiri, may mga magaga-ling at hindi corrupt na tauhan ang COA.
Wala pang administrasyon ang ginawang policy ang pagtatalaga sa mga career officials bilang hepe ng ano mang tanggapan. Palaging ang bagong Presidente ang nagtatalaga ng mga opisyal na karaniwang galing sa labas. Madalas, binibigyang prayoridad ang mga taong.
nakatulong sa kampanya ng isang Pangulo. Ito yung tinatawag na mga politi- cal appointees.
Kung ibabasura ang nakagawiang ito, siguradong tataas ang morale ng mga empleyado hindi lamang ng COA kundi ng ibang tanggapan ng pamahalaan lalu pa’t lahat ay mabibigyan ng tsansang maging hepe ng ka nilang tanggapan.