^

PSN Opinyon

Marcelino "'Layno" Yap

ORA MISMO - Butch M. Quejada -

NAKIKIRAMAY ang mga kuwago ng ORA MISMO, sa maagang pagkamatay ni bir Regional Director Marcelino “Layno” Yap, 49, na pinatay the other day habang papasok siya sa kanyang office.

Malapit ang mga kuwago ng ORA MISMO, kay Layno dahil mabait at makatao ito sa kanyang mga kaibigan pero istrikto sa kanyang trabaho bilang isang RDO sa Bureau of Internat Revenue kaya marami ang nagagalit dito sa higpit niya sa pangongolekta ng buwis para sa government of the Republic of the Philippines my Philippines.

Isang probinsiano si Layno, bisaya from  Mindanao na napunta sa Metro-Manila dahil nabigyan ito ng pagkakataon na makaupo bilang RDO sa Marikina noon panahon ni dating BIR Commissioner Sito Esquivias.

Isa si Layno, sa mga RDo sa BIR na naka-kolekta ng assigned target revenue collection.

Nakikidalamhati ang mga kuwago ng ORA MISMO, sa mga naulila ni Layno dahil kinuha na siya ni Lord sa kagagawan ng mga gagong hitman na inupahan ng mga kamoteng galit sa biktima.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, kilala ng mga awtoridad ang ‘hitman’ ni Layno isang Armando Carino y Obias, a.k.a Manding ang subject ng manhunt operation ng Rizal PNP-CIDG.

Sayang Manding, hindi ka nasupot kamakalawa ng gabi ng puntahan ng mga authorities ang lungga mo sa isang place sa Quezon City, alam mo bang ikinanta ka ng pamangkin mo na isang Andy Carino, ang sinasabing may-ari ng motorsiklo na ginamit mo sa pagpatay sa isang mabuting tao kapalit ng kaunting salapi.

Mas maganda ikanta mo na rin ang mastermind na umupa sa serbisyo mo kapag nahuli ka dahil sinisigurado ko sa iyo na ikaw lang at hindi sila ang mabubulok sa karsel.

Abangan.

Capitol City Lodge 174

SA FEBRUARY 26 ( Saturday), ang ika-47th Public Installation ng mga newly elected at appointed officers ng Capitol City Lodge 174 ng Free and Accepted Masons, under the jurisdiction of The Most Worshipful Grand Lodge of the Free and Accepted Masons of the Philippines my Philippines para sa Masonic year 2011.

Ang mga Lodge Officers ay sina Bro. Luth Myr P. Teoson, Worshipful Master, Bro Percival R. Pineda, Senior Warden, Bro. Eduardo Goli, Junior Warden, WB Ariel D. Fronda, Treasurer, Bro. Gilbert M. Palacol, Secretary, WB Oreste M. Navarro, Jr., PM, Auditor, Bro. Jerome A dela Cruz, Chaplain, Bro> Nerwin Recobermoso, Marshal, Bro. Charles Elcano, Senior Deacon, Bro. Allan Alcantara, Junior Deacon, WB Safiro Vinarao, PM, Orator, Bro. Eddie Mar I. dela Torre, Almoner, WB Ronald L. Cortez, PM, Lecturer, Bro. Eranio G. Cedillo, Historian, Bro. Wilfredo delos Santos, Senior Steward, Bro. Gilgreg Madarang, Junior Steward, Bro. Albert Elcano, Custodian of Works, VW Ramon ‘Don Ramon’ R. Ignacio, PDGL, Organist, Harmony Officer at WB Reno E. Concha, Tyler.

Si Bro. Jaime A. Pacanan, USEC. DPWH, ang pa­nauhin pandangal at speaker.

Ang fellowship ay gagawin sa Bureau of Soils and Water Management sa may Department of Agriculuture sa may Elliptical Road corner Visayas Avenue, Diliman, Quezon City.

Ang lahat ng mga Master Masons and family ay iniimbitahan dumalo sa selebrasyon sa Feb. 26 kaya huwag na hindi kayo pupunta.

Mamimigay ng mga regalo si Don Ramon sa nasabing okasyon at hindi ito biro.

Abangan

vuukle comment

ABANGAN

ALBERT ELCANO

ALLAN ALCANTARA

ANDY CARINO

BRO

CAPITOL CITY LODGE

DON RAMON

LAYNO

QUEZON CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with