Pinoys, international drug couriers?

ITUTUWID ko muna ang isang “boo-boo” sa nakaraan kong kolum. Hindi sinasadyang natawag kong “Pampanga Governor” si Rep. Gloria Macapagal Arroyo. Sorry po Governor Pineda at Rep. GMA. Kasi naman, nung araw ding yaon, nang ako’y nasa Clark mayroong umugong na tsismis na matapos daw ang termino ng dating Pangulo bilang Kongresista ng 2nd district ng Pampanga, hahabol naman sa pagka-gobernador si Mrs. Macapagal-Arroyo. Mayroon na raw siyang nakalatag na Pampanga Development Plan. Gaano katotoo? Your guess is as good as mine.

* * * * *

Mula opisyal ng pamahalaan hanggang sa mga OFWs — nagkaroon na ng stigma bilang mga international drug courier. At lalung nakalulungkot na ang gobyerno’y naninikluhod pa sa China na nagbaba ng hatol na kamatayan sa tatlong Pinoy na nagpuslit ng droga.

May nagsasabing hindi na natin dapat saklawan ang batas ng ibang bansa. Ngunit tungkulin pa rin ng gobyerno na kumilos sa pagbabakasakaling babaan ang hatol na bitay sa life sentence. Pakinggan man o hindi ang pakiusap, at least nagpursige ang gobyerno na mailigtas ang mga kababayang bibitayin.

Nakakahiya! Kay raming mga Pilipinong nakabilanggo at naghihintay ng capital punishment dahil sa illegal na pagpupuslit ng droga sa ibang bansa. Pati nga ang Kongresistang si Ronald Singson ay naghihintay ng hatol sa sa- lang drug trafficking sa Hongkong habang isinusulat ko ito.

Maliban sa kaso ni Singson, ito’y dala na rin ng kahirapan sa kabuhayan. Ang mga OFWs ay madaling maakit sa kaunting alok na salapi kapalit ng pagpupuslit ng droga sa kaunting alok na salapi kapalit ng pagpupuslit ng droga sa ibang bansa kahit pa buhay nila ang nakataya.

Dapat maghigpit ang immigration sa mga pasaherong lumalabas sa bansa para na rin sa ating sariling kaligtasan. Higit sa lahat, dapat bigyan ng masusing briefing ang mga papaalis na OFW para huwag basta-basta tatanggap ng mga bagay na ipinadadala ng iba.

Show comments