^

PSN Opinyon

Kapag na-stress, mag-deep breathing

DOC WILLIE - Dr. Willie T. Ong -

MARAMING klase ng stress. Posible kang ma-stress sa meeting, sa pagkausap sa boss, o sa pagtatalumpati. At minsan ay may naramdaman ka sa katawan at natatakot kang baka masamang sintomas na ito.

Sa mga ganitong sitwasyon, may mabisang paraan para malabanan ang stress, nerbiyos at kaba. Ito ang payo ng mga ekspertong doktor at psychologists. Ang solusyon: Mag-deep breathing exercises.

Aminin na ika’y na-stress. Mararamdaman mo naman ito. Para kang kinakabahan, pinapawisan ang kamay, at mabilis ang pintig ng puso. Sabihin sa sarili, “Na-stress yata ako, kailangan mag-relax muna ako.”

Puwede mong sabihin sa iyong asawa o kaibigan na na-stress ka. Ang pagsasabi sa ibang tao ay naka­babawas din sa stress.

Ihinto muna ang iyong ginagawa. Kung puwede, umupo sa isang matahimik at preskong lugar. Pero kahit may tao sa paligid ay puwede pa rin gawin ito.

Ituwid ang likod at ipikit ang mata. Ngayon, obserbahan at pansinin ang iyong paghinga.

Huminga papasok nang malalim (inhale deeply) habang nagbibilang ng 4 na segundo. Gamitin ang ilong sa paghinga at hindi ang bibig. Isipin ng dahan-dahan, 1…2…3…4… Kapag puno na ng hangin ang iyong dibdib, magpigil muna ng hinga ng 4 na segundo. 1…2…3…4…

Pagkatapos ay ilabas ang hangin ng dahan-dahan pa rin (exhale deeply). Bumilang ng 5 segundo sa pag-exhale.

Ulitin ito muli. Gawin ito ng 10 beses hanggang ma-relax ka. Ang sikreto sa deep breathing ay ang pag-hinga ng malalim at dahan-dahan lang. Huwag bibilisan ang paghinga.

Gawin ng pabagal nang pabagal ang pag-inhale at exhale. Sa ganitong paraan, babagal din ang tibok ng iyong puso at ma­babawasan ang iyong stress.

9. Habang ika’y humi­hinga, mag-isip din ng ma­gagandang bagay. Ilara­wan sa isipan ang isang matahimik at mapunong lugar sa probinsya. Isipin mong nandoon ka at nagre-relax.

10. Puwede mo rin sa­­bayan ng pagdarasal. Ila­gay ang positibong salita sa iyong isipan tulad ng “Wala namang proble­ma, eh.” “Babantayan na­­ man ako ni Lord.” o

“Sabi ni Doc ay wala akong sakit.”

Kaibigan, subukan ang deep breathing exercises. Gawin ito sa kahit anong oras o lugar. Magpasala­mat tayo sa Diyos sa mga biyayang binigay niya. At huwag kalimutang mag-deep breathing! 

AMININ

BABANTAYAN

GAWIN

HELLIP

ISIPIN

IYONG

PUWEDE

SHY

STRESS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with