^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Balik na naman sa dati ang Commonwealth Ave.­

-

ISANG buwan na ang nakalipas mula nang ipa­tupad ng Metro Manila Development Authority (MMDA) ang 60 kilometer per-hour speed sa Commonwealth Avenue. At ang resulta, balik uli sa dati ang tinaguriang “killer avenue”. Balik uli sa pagkakarera ang mga bus. Balik uli sa walang babalang pag-overtake, padaskol at bara-barang pagmamaneho ang mga drayber. Nasaan na ang mga traffic enforcer ng MMDA lalo na sa gabi, na ipinagmalaki pa ni Chairman Francis Tolentino na 24-oras na nasa kalsada at nagsasaayos ng trapiko. Nang umulan kamakalawa, nagtakbuhan na naman ang mga traffic enforcers at iniwang buhol-buhol ang trapiko hindi lamang sa Commonwealth kundi sa maraming lansangan.

Nang ilunsad ang 60 kph speed sa Commonwealth Avenue, sinabi ni Chairman Tolentino na naka-monitor ang mga motorista kaya hindi sila makalulusot. May mga MMDA personnel umano na may hawak na tracking speed kaya malalaman kung lumampas sa 60 kph ang speed. Hindi iisyuhan ng citation ticket ang drayber kundi mag-aappear lang ang violations niya kapag nag-renew ng lisensiya.

Maganda ang resulta sa mga unang araw sapagkat maraming bus driver ang nahuling lumampas sa itinakdang bilis. Umano’y nabawasan ang mga nangyayaring aksidente at banggaan. Bumaba ang bilang ng mga nasagasaan sapagakat wala na ring nagkakarera para makarami ng pasahero. Isa sa dahilan ng aksidente ay ang pag-uunahan ng mga bus para makakuha ng pasahero.

Pero, isang buwan lang ang kampanya at balik uli sa masamang pagmamaneho ang mga bus driver. Marami na namang aksidenteng naganap. Kahapon, isang Nissan Urvan ang binangga ng Lucky Seven Bus sa Regalado Ave., Fairview. Ang Regalado ay kakonekta ng Commonwealth Ave. Dalawa ang patay sa aksidente. Sobrang bilis ng bus kaya namatay agad ang mga nakasakay sa nabangga.

Balik na naman ang “killer avenue”. Kailan kaya walang ningas-kugon sa mga kampanya ng MMDA?

ANG REGALADO

BALIK

CHAIRMAN FRANCIS TOLENTINO

CHAIRMAN TOLENTINO

COMMONWEALTH AVE

COMMONWEALTH AVENUE

LUCKY SEVEN BUS

METRO MANILA DEVELOPMENT AUTHORITY

NANG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with