Malambot at matigas

AYON kay Gunnar Myrdal, author ng best selling na libro na “Asian Drama”, mayroong dalawang klaseng bansa sa mundo: Ang “soft state” at ang “hard state”.

Ang soft state raw ay sagad sa pagka-corrupt at ang nangunguna sa corruption ay ang mismong pinakamataas na lider ng estado kaya halos lahat ng mga subordinates niya ay nagkakaroon ng attitude na follow the leader.

 Ang hard state naman ang kabaliktaran dahil ang lider nito ay straight kaya ang subordinates niya ay mga matuwid din o nagpapakatuwid o di man matuwid ay nag-iingat baka mabisto ng lider at sipain sa puwesto.

 Noong kapanahunan ni President Cory maaaring maituring ang Pilipinas na naging hard state dahil incorruptible siya. Enter Gloria Macapagal Arroyo na ayon sa surveys ay pinaka-corrupt na naging Presidente ng Pilipinas.

 Grabe at malawakan ang nakawan noong rehimen niya. Pati nga ang panguluhan ay ninakaw niya sa tulong ni Garci at mga heneral tulad ni Esperon.

Noong panahon ni GMA, dumami ang krimen, mga jobless, mga gutom at mga nangibang bansa. Dumami rin ang mga yumaman na mga kasapakat niya.

Tularan sana ni P-Noy ang ina niya para tumigas at tumayo ang malambot na estadong namana niya.

Show comments