^

PSN Opinyon

Editoryal - Paano igagalang ang mga pulis?

-

NOONG nakaraang taon, walong Hong Kong tourists­ ang hinostage ng isang nadismis na pulis habang nakasakay sa bus. Yung walong tu­rista ay nagtungo sa Pilipinas para masdan ang mga magagandang tanawin. Ang hangad nila ay mag-enjoy kaya narito. Pero kabaliktaran ang nangyari sapagkat pinatay sila ng pulis.

Lumikha ng kaguluhan ang pangyayaring iyon at hanggang ngayon, taglay pa ng mga taga-Hong Kong ang kahindik-hindik na pangyayari. Naapektuhan ang pagdagsa ng mga turista at siguro’y matatagalan pa bago muling manumbalik ang sigla ng turismo. Dahil sa ginawa ng isang pulis, ang nagdusa ay ang bansa mismo. Paano pa igagalang ang mga pulis?

At tila hindi pa nagkakaroon ng leksiyon ang mga pulis sa nangyaring hostage taking na iyon sa Qui­rino Grandstand sapagkat mayroon na namang umulit.­ Hindi nga lang panghohostage kundi panghuhulidap sa turista rin.

Limang pulis sa Makati City ang nambiktima ng isang turistang German noong Enero 29, 2011. Limang laptop ang “dinagit” ng mga pulis-hulidaper. Ayon sa report nilapitan ng limang pulis German na si Daniel Ludwig habang nasa A Venue mall sa Makati Avenue dakong 12:45 ng hatinggabi. Inakusahan ng limang pulis si Ludwig na bumibili ng mga peke. Itinanggi naman ni Ludwig ang akusasyon. Nang hindi matinag ang turista, inakusahan ito ng mga pulis na bumibili ng droga. Sinabi umano ni Ludwig na tatawag siya sa German Embassy pero hindi siya pinagbigyan ng mga pulis at sa halip inakusahan itong nagsusuporta sa mga turista.

Isinakay si Ludwig sa patrol car at dinala sa Power Plant Mall at doon puwersahang pinabili ng limang laptop na nagkakahalaga ng P222,149. Pagkatapos mahulidap, nagtungo ang German sa kanilang emba­hada at doon nagsumbong. Nakilala ang limang hulidaper na pulis. Sinibak na sila.

Kung hindi nagsumbong si Ludwig, nakalusot ang mga pulis hulidaper. Maaaring marami pang turista ang hinulidap ng lima at hindi nga lang nagsumbong dahil natatakot. Maaaring hindi na sila uulit magtungo rito dahil sa masamang karanasan na dinulot ng ilang pulis. Panahon na para disiplinahin ang ilang miyembro ng PNP na nagbibigay ng kahihiyan sa bansa.

vuukle comment

A VENUE

DANIEL LUDWIG

GERMAN EMBASSY

HONG KONG

LIMANG

MAAARING

MAKATI AVENUE

PULIS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with