'Pusong panalo talaga!'

Sinimulan ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) at ng Calvento files ang pagtulong sa mga kababayan nating nangangailangan ng tulong medikal. Ganun din ang pinansyal na tulong para sa mahihirap na nangangailangan.

Sa loob lamang ng dalawang linggo, marami nang lumapit sa aming tanggapan upang humingi ng tulong.

Ilan lamang sa mga natulungan ng PCSO ay ang mga sumusunod:

• Si Reynaldo Rabago, 42 taong gulang ng Towan Valle, San Jose del Monte, Bulacan. Hinihingi niya ng tulong ang kanyang 28 taong gulang na asawang si Love Joy Rabago na may sakit sa atay. Maliban sa siya’y may sakit sa atay nag-umpisa na ring pumasok ang ‘infection’. Ayon sa kanyang asawa, ilang ospital na umano ang kanilang nalibot subalit ayaw i-'admit’ si Love Joy.

“Galing na kaming Sta. Ana hospital at sa PGH subalit ayaw nilang tanggapin ang aking asawa,” sabi ni Reynaldo.

Itinampok sa programang Pusong Pinoy ang istorya ni Love Joy. Sa pamumuno ni Atty. Joy Rojas. Inasikaso siya ni Dra. Liza Baroque ang manager ng clinic department ng PCSO.

Pinapunta siya sa Lung Center, ngayon sisimulan na ang panggagamot sa kanya at magbibigay ang pusong pinoy ng ‘financial assistant’ para mapagamot na ito.

• Si Edgar Suzon, 38 taong gulang taga 1148, P. Rosales, Sta. Ana, Pateros, Metro Manila nabali ang buto ng kanang binti matapos sumalpok sa pader ang ‘jeep’ na kanyang sinasakyan.

Ika-29 ng Enero 2011 nagpunta siya sa amin upang ilapit ang kanyang pagpapaopera ng kanyang binti. Kailangan malagyan ng bakal ang kanyang kaliwang binti para pagdugtungin ang kanyang baling buto.

Nangangailangan siya ng halagang Php 12,500 para sa kanyang operasyon.

Nakausap na ni Edgar si Dr. Jose Gochoco ng PCSO Quezon City. Pinaliwanag sa kanya na kailangan niyang magbigay ng ‘quotation’ (listahan ng mga gagastusin) para sa kanyang operasyon.

Hinihintay na lang na makumpleto ang kanyang requirements at nangako naman si Atty. Joy Roxas na agad tutulungan si Edgar.

• Si Marissa Hernandez, 31 taong gulang taga Centenial 2-B, Nagpayong Pinagbuhatan, Pasig City ay humingi ng tulong medikal para sa kanyang inang may ‘osteoarthritis’ na si Maria Ceneta, 78 taong gulang.

Ika-31 ng Enero 2011 inilapit sa PCSO problemang pang­kalusugan ni Maria. Pinakita sa amin ng kanyang anak ang kopya ng ‘medical certificate’ na nagsasabing kailangan siyang maoperahan dahil wala ng ‘cartilage’ (litid) ang kanyang kaliwang tuhod.

Mabilis naman tinugunan ng PCSO ang kondisyon ni Maria. Hinihingan ng quotation si Marissa ng mga gamot na kakaila­nganin sa operasyon ng kanyang ina. Kapag nakapagbigay na siya, ipagkakaloob na sa kanya ang ‘guarantee letter’ bilang tugon sa kanilang pangangailangan.

• Noong ika-1 ng Pebrero 2011 isang pasyente naman ng Juvenile Idiopathic Scoliosis ang sumangguni sa amin upang humingi ng tulong. Siya si Shiela Sedano, 13 taong gulang taga 9662 Gahit Acacia, Pinagbuhatan, Pasig City.

Nais ni Shiela na siya’y maoperahan na dahil madalas ng sumakit ang kanyang likod. Hindi na din ito pantay. Nahihirapan na din siya sa kanyang paghinga.

Nangangailangan si Shiela ng halagang Php 260,000 para sa kanyang operasyon, ang Posterior Spinal Instrumentation using Pedicle Rods and Screws o ang paglalagay ng bakal sa kanyang likod.

Sa ngayon nakapagpasa na ng quotation sa PCSO si Helen, ina ni Shiela. Inaantay na lamang ang nila ang sagot sa kanilang ‘request’ para sa operasyon nito.

Umaasa si Helen na sa tulong ng programang Pusong Pinoy na maooperahan ang kanyang anak.

• ika-4 ngt Pebrero 4, 2011 isa rin sa gustong humingi ng tulong medikal mula sa PCSO ay si Jocelyn Vero, 33 taong gulang taga 166 M. H. del Pilar St., Palatiw, Pasig City. Gusto niyang mapa-Magnetic Resonance Imaging (MRI) ang kanyang inang si Helen Vero.

Nasagi ng dalawang bata ang kanyang ina. Napaupo sa kalsada, nadaganan ang ulo. Ayon sa resulta sa Philippine Orthopedic, nagkaroon ng compression fracture si Helen. Ito daw ang maaring dahilan kung bakit siya’y walang ganang kumain at humina ang pangangatawan.

Binigyan namin ng referral si Jocelyn sa PCSO para sa MRI ng kanyang ina. Pinakuha siya ng kopya ng quotation sa Philippine General Hospital (PGH) para maisagawa ang nararapat na ‘medical procedure’.                  

Ilan lamang sila sa maraming taong nagpupunta sa amin upang humingi ng tulong kaugnay sa problemang pangkalusugan.

Umaasa sila na sa tulong ng PCSO sa pamamagitan ng programang Pusong Pinoy matutugunan ang kanilang pangangailangan.

Nais rin naming sabihin na ang aming tanggapan ay bukas para sa gustong lumapit sa Pusong Pinoy at asahan ninyong mapaparating namin ang inyong suliranin sa kalusugan kay Chairman Margarito Juico at Atty. Joy Rojas at ibang pang opisyales ng PCSO.

Maari kayong tumawag sa aming tanggapan sa 6387285 at 24/7 PLDT hotline 7104038. Pwede din kayong mag-text sa 09213263166 o sa 09198972854 o magpunta sa 5th floor CityState Center bldg., Shaw Blvd., Pasig City mula Lunes-Sabado. Hanapin lamang sina Aicel Boncay, Den Viana at Monique Cristobal.

Nagbibigay din kami ng libreng ‘wheel chair’ .Ang mga wheel chair na ito’y binigay ni Mr. Ding Pangilinan at Baby Pangilinan.

Ito ang mga listahan na nakatanggap ng wheel chair.

• Angelina Magat, 68 taong gulang

• Justine Aldrich Chinel, 8 taong gulang

• Joan Jimenez, 24 taong gulang

• Bonifacia Beldad, 86 taong gulang  

(KINALAP NILA DEN VIAÑA, AICEL BONCAY AT MONIQUE CRISTOBAL)

* * *

Email address: tocal13@yahoo.com

Show comments