NAKIKIRAMAY ang mga kuwago ng ORA MISMO, sa mga naiwan mahal sa buhay ni dating DOE Secretary Angie Reyes.
Sabi nga, may you rest in peace Sir, ang may final salute to an officer and a gentleman!
Ang pagpapakamatay ni Angie ay nagkaroon ng iba’t-ibang comments sa ating society kanya-kanyang punto de vista.
Ika nga, depende kung kaibigan o kaaway mo ang yumaong General ang pinaka-huling commentaries ni dating Prez Fidel V. Ramos at former Sec. Larry Mendoza ay iisa ang tema nagawa ni Angie. Ang ‘SUPREME SACRIFICE TO SAVE THE INSTITUTIONS,’ HE LOVED: THE AFP AND THE GOVERNMENT OF THE PHILIPPINES MY PHILIPPINES.
Unahin natin ang HARAKIRI O SEPPUKU, ano ba ang ibig sabihin nito? Nag-ugat ang tradition na ito sa Japanese Samurai Bushido Warrior code, na ang isang samurai warrior ay nagsasaksak ng sarili sa tiyan at may puputol naman ng ulo na isang matalik na kaibigan. Iba’t ibang dahilan kung bakit ito ginagawa hanggang sa Japanese wartime mas honorable ang HARIKIRI kesa sumuko sa kalaban.
Sa ginawa ni Angie, maaring mas gusto pa niyang kitlin ang buhay niya kesa tuluyang magupo at apihin ng walang laban ng mga tumitira sa kanya mga-pulitiko at iba pang pa-bright-bright na gustong sumira sa kanyang pagkatao
Bakit sa puntod ng kanyang ina ginawa ni Angie ito?
Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, na common knowledge sa AFP at mga kaibigan niya na si General Reyes ay very close kay ‘Mamang Purificacion’ at mahal na mahal niya ang kanyang ina na kasabay ng tibok ng puso habang nasa sinapupunan pa si baby Angie at parang ibinalik niya sa ina ang kanyang buhay dahil magkakasama na silang dalawa sa heaven.
Sa burol ni Angie ay suot niya ang kanyang uniporme tanda ng pagmamahal niya sa AFP na pinaglingkuran niya ng 39 YEARS bilang CS, AFP.
Si Angie ay isang pillar sa EDSA 2 at ito ay hindi kayang burahin ng kasaysayan sa history ng Philippines my Philippines.
Tuligsa din ang inabot ng mga miembro ng lehistratura hindi mai-aalis na sa tindi ng insultong inabot at kahihiyan, hindi lang kay Angie kundi sampu ng kanyang pamilya.
Mga professional ang mga pulitiko sa Kongreso dapat sigurong i-moderate ang pagtatanong nila sa mga resource people na kanilang invited para magbigay linaw sa gusto nilang liwanag.
Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, “our legislator drove Angie in deep humiliation to hindi death. They interrogate resource person like hooligans and goons in barbaric time. More developed and civilized countries deal with resource persons with decency. It’s high time our legislators change their ways and rules in aid of legislation. Attendance should be made voluntary not coercive abuse of power.’
Sabi nga, Amen!
Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, alam naman nila na ang mga hearing na iyan ay sadyang pang media exposure lang nila at wala talagang nangyayari. Masakit ang mga insulto at pagtatanong na hindi makatarungan at walang evidentiary value.
Naku ha!
Totoo kaya ito?
Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ang isang resource person ay may constitutional, presumption of innocence until proven guilty pero sa Kongreso, anila ay trial by publicity at ang perception ng taong nanonood ng live coverage at condemnation na sa tinatanong pero pagdating sa husgado absuelto dahil sa mahina ang evidence.
Naku ha!
Totoo kaya ito?