^

PSN Opinyon

Kuwatro o Kuwarto?

BAHALA SI TULFO - Ben Tulfo -

HINDI na bago ang imoral at iligal na alok ng “Kuwatro o Kuwarto?”, particular sa mga unibersidad at kolehiyo.

Ito ‘yung alok kung saan papipiliin ang estudyante ng kanilang school o university superior katulad ng Dean, propesor o mga guro para pumasa sa eskuwela.

Dalawa lamang ang maaaring pagpilian. Kuwatro o mas kilalang grado sa kolehiyo na incomplete at Kuwarto, na ang ibig sabihin ay pakikipagtalik sa isang motel o hotel.

Ang alok na ito ang naging dahilan ng pagkahulog    sa BITAG ni Dean Alexander Rible sa kaniyang Hotel and Restaurant Management student na tinawag naming si Cathy.

Setyembre 2009 nang mapilitang tanggapin ng bik-tima ang alok ni Dean dahil naharang na raw ni Dean ang mga grado sa kaniyang subject.

Ayon sa biktima, huling tsansa na niya itong makapag-aral dahil nauna nang nabigo ang kaniyang mga magulang nang magkaanak sa kaniyang boyfriend habang nag-aaral sa unang kurso.

Alok ni Dean, makikipagtalik ang estudyante sa kaniya dalawang beses isang buwan o tuwing na-i-stress ito. Ang kapalit, pasadong grado sa kaniyang mga subjects kahit hindi na siya pumasok.

Matapos ang entrapment operation laban kay Dean, alam naming marami pa ang mga biktimang katulad ni Cathy ang ayaw lumantad, tahimik na nagdurusa.

Sigurado rin ang BITAG na may mangilan-ngilang Dean tulad ni Dean Alexander Rible, mga propesor at guro na ang trabaho ay mag-alok ng Kuwatro o Kuwarto sa kanilang mga estud-yante.

Eto ‘yung ginagamit ni­lang patibong para mahulog sa kanilang bitag ng pana­namantala ang sinumang gustuhin nilang biktima.

Isa na sa mga adboka­siya ng BITAG na matul­dukan ang mga kasong tulad nito at maparusahan ang ilang mapagsamantala sa kapangyarihang Dean, propesor at guro man.

Magsilbi sanang aral sa mga kinauukulan ng bawat eskuwelahan, paaralan, unibersidad at kolehiyo ang kinasangkutan ng kaso ni Dean Rible.

Sa iba pang biktima, hu­wag mag-alinlangang maki-pag-ugnayan sa BITAG. Bukas ang aming tanggapan.

vuukle comment

ALOK

AYON

BUKAS

DEAN

DEAN ALEXANDER RIBLE

DEAN RIBLE

HOTEL AND RESTAURANT MANAGEMENT

KUWARTO

KUWATRO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with