Good president, bad society
AYON sa social scientist na si John Kenneth Galbraith, ang isang “good society” daw ay may apat na elemento: Una, every citizen in a good society must be free. Ang tinutukoy niyang freedom ay hindi lang freedom of speech, assembly, etc. kundi ang freedom to move around with ease and comfort. Ani Galbraith, “Nothing restricts freedom more than the lack of money.”
Oo nga naman. Halimbawa, may freedom nga tayo to dakdak pero kung dirt poor naman tayo at kahit pamasahe sa bus o jeep ay pamalagiang walang-wala tayo, anong klaseng freedom ang meron tayo?
Ikalawa, every citizen must have personal security. Ang ibig sabihin ay kahit saan man tayo gumala di tayo basta-basta na lang pagpapatayin, pagnanakawan o gagahasain.
Ikatlo, every citizen must not be discriminated against due to religion, ethnicity etc. Matindi ang discrimination dito sa ating bansa laban sa mga Muslim at mga katutubo.
Ikaapat, every citizen must have an opportunity for a better life. Ten million of our people are now jobless and 15 million are underemployed and about 45 million are hungry or live below the poverty line. Anong opportunity pa kaya for a better life ang maasahan ng milyun-milyong Pinoy na naninirahan sa isang lipunan na walang freedom, security, malabong mga opportunities at may mga discrimination? What we have is a very bad sociery. Pero may pag-asa dahil good na ang presidente natin hindi tulad ng pekeng pinalitan niya.
Maiba naman ako. Sana nagpaparamdam na si P-Noy kahit body language man lang na nakikiisa siya sa mga Egyptians na nag-people power ngayon sa Egypt laban sa pusakal sa kapangyarihan na si Hosni Mubarak. Living icon siya ng people power sa Pilipinas at buong mundo. Sana utusan niya ang BID na mag-encourage sa mga Egyptian at Arab communities sa Metro Manila na mag-organize nang malakihang pagtitipon na dadaluhan niya. Hindi niya kailangang magtalumpati roon. Sometimes a mere body language can deliver a more thunderous message.
- Latest
- Trending