Ang maalinsangan katotohanan tungkol sa Palawan (1)
BINIGYAN tayo ng sipi ng DABADABA, Kilusang Love Malampaya (KLM) newsletter, ng mga taong nakiramay sa burol ni Dr. Gerry Ortega ng pumasyal at makidalamhati sina National Press Club President Jerry S. Yap, NPC Legal adviser Atty. Toto Causing at NPC director Chief Kuwago last Saturday afternoon sa Aborlan, Palawan.
Ilalabas ng mga kuwago ng ORA MISMO, entoto ang nasabing newsletter para malamang ng madlang people sa Philippines my Philippines kung ano talaga ang maalinsangan katotohanan regarding sa Palawan.
Isa ito sa mga isyu na ibinulgar ni Dr. Gerry Ortega at maaring dahilan ng kanyang pagkamatay dahil sa walang humpay na pagbatikos nito sa mga bugok na public official na kumita sa Malampaya deal at ang Palawenyo ang naiwan sa gutom
Sabi sa sipi, halos 10 years din nasa dilim ang mga Palawenyo at walang kamuwang-muwang sa mga tunay na nangyari lalo na kung papaano ginamit ang kaperahan na dumating sa kabang ng Palawan.
Tinatayang humigit kumulang sa P15.3 billion ang kabuuan nalikom o ‘reciept’ ng Palawan mula sa General Fund, sa pangungutang sa mga bangko, ‘pork barrel’ ng mga congressmen at ang ‘financial assistance’ o pampalubag-loob na galing sa Malampaya Share. Hindi pa naisama dito ang mga naging income para sa lungsod ng Puerto Princesa, mga munisipyo at mga barangay ng lalawigan ng Palawan.
Ang kadilimang naranasan noong nakalipas na dekada ay panaiilawan lamang ng mga pangpa-akit na mga programa katulad ng Daup Palad, mga tent, mga waiting shed, pagbibigay ng multi-cab, pagkakaroon ng mga scholar at mga proyektong hindi lahat ay may pantay-pantay na pakinabang.
Ang kadiliman tinutukoy dito ay ang mga pang-sariling interes lamang lalo sa maraming mga hindi kanais-nais na mga transaksyon na sa loob ng sampung taon ay hindi nalalaman ng sambayang Palawenyo.
May mga Palawenyo na natatakot umalis sa kadiliman kung kaya pinipilit na patigilin ang ginagawang presentasyon ng KLM na may pamagat na ‘Ang Maalinsangang Katotohanan Tungkol sa Palawan.’
Sa panahon ni Pangulong Gloria Macapagal Arroyo, umabot sa halos P146 billion ang naging kabahagi ng gobyerno mula nang magsimula ang Malampaya Gas Project noon 2001. Ipinaglalaban ng KLM ang kabuuang (gross) 40% share ayon sa RA 7160 na dapat ay aabot ng P58 billion para sa Palawan.
Dahil sa isang interim Agreement, kalahati lamang ang makukuha ng Palawan hanggang Hunyo 16, 2010 na aabot ng mahigit kumulang sa P29 billion. Ngunit ang aktuwal na natanggap ng Palawan ay humigit kumulang P3.1 billion lamang at ang pinaggamitan ay pinagkakitaan pa sa pamamagitan ng mga ma-anomalyang transaksyon.
Naniniwala ang KLM na ang nakatay sa darating na eleksyon ay ang bilyun-bilyon na kaperahan mula sa Malampaya Gas Project.
Hindi lamang ang mga kumakandidato sa pagka-gobernador, pagka-congressman at iba pang mga lokal na kumakandidato sa lalawigan ng Palawan, kundi pati rin ang kumakandidato sa pagka - pangulo kayang bawiin ito sa Malampaya funds.
Ang KLM, ay nagsisilbing ilaw ngayon darating na eleksyon, kailangan maliwanagan ang lahat ng Palawenyo upang buo sa kaalaman sa mga totoong nangyayari sa Palawan.
Kailangan makipagtulungan ang lahat ng mga kinauukulan na ilahad ang mga ‘Financial Statement’ ng lalawigan ng Palawan sa lubusang kaliwanagan ng lahat.
May mga susunod pa abangan!
- Latest
- Trending