^

PSN Opinyon

Slow responses

REPORT CARD - Ernesto P. Maceda Jr. -

NAKAKABAHALA ang mabagal na responde ng mga awtoridad sa nangyaring pagsabog ng bus sa EDSA. Ayon sa mga nakasaksi, marami pa sana ang nailigtas kung nalapatan agad ng lunas ang mga biktima. Ang RPN-9 TV crew na napadaan – at tumulong nang husto sa mga dinatnang pasaherong nakabulagta sa kalsada – ay testigo sa mabagal na saklolo ng kinauukulan. Maski ang MMDA enforcers na mabilis dumating sa eksena ay hindi rin naasahang kumilos para matulungan ang biktima – hindi raw nila puwedeng iwanan ang scene of the crime.

Ewan ko pero di ba dapat inuna ang saklolo sa tao? Ang mas malaking tanong – ano nga ba ang katanggap-tanggap na reaction time ng awtoridad tuwing may ganitong pangyayari? Madalas sa ganitong trahedya, ang kaligtasan ng biktima ay nakasalalay sa bilis ng saklolo.

Ang EDSA, bilang pangunahing daan ng Metro Manila, ay laging saksi sa mga sakuna. Bilang daluyan ng tao, komersyo at ng mismong progreso, kailangang laging may towing service, mahusay na traffic management, at emergency paramedic services. Quick reaction time – kritikal na kumpuni ng serbisyo ng pamahalaan.

Biro pa nga ng iba – paano mo aasahan ang mabilis na responde eh kung ang Palasyo mismo, walang pagmamadali sa sarili nitong reaksyon sa pangyayari? Nakita na natin ito sa Luneta hostage crisis kung saan pinatagal nang husto ang anumang hakbang na magpapakitang    in-control ang pamahalaan. Kahit pa mag-anunsyo si P-Noy na hindi siya magpapahinga hanggat hindi na­bibigyang katarungan ang mga biktima, hindi pa rin tayo mapapanatag hanggat walang golpe de gulat na aksyon.

Mabuti pa raw si Russian President Dmitry Medvedev. Bilang tugon sa nangyaring suicide bombing sa kanyang airport, walang pakundangan niyang tinanggal sa puwesto ang isang Maj. General na hepe ng transport police sa sumunod na araw. Ganitong pagmamatigas ang magandang mensahe sa mga may masamang intensyon na seryoso ang pamahalaan sa kampanya laban sa karahasan. Ganitong mabilis na aksyon din ang aaresto sa tuluyang pagpapabaya ng mga kapulisan sa tungkulin nilang siguruhin ang ating kaligtasan.

Pansamantala’y madagdagan sana ang emergency paramedic facilities sa EDSA nang hindi na maulit ang atrasadong saklolo sa mga nasasakuna.

AYON

BILANG

BIRO

EWAN

GANITONG

KAHIT

METRO MANILA

RUSSIAN PRESIDENT DMITRY MEDVEDEV

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with