NAKAPANGANGAMBA na ang mga nangyayari ngayon na pati ang mga environmentalists o mga nagdedepensa sa kapaligiran at likas na yaman ay itinutumba na. Kapag naitumba ang lahat ng environmentalists, malaya nang makagagalaw ang mga sumisira sa kapaligiran. Magpapatuloy ang pagwasak sa mga bundok dahil sa pagmimina, masisira ang mga yamang-dagat, makakalbo ang mga bundok at malilipol ang mga hayop at ibon sa kagubatan. Wala na. At ang kasunod na malilipol ay ang mga tao.
Pinaka-latest na environmentalist na pinatahimik ay si Gerardo Ortega ng Puerto Princesa City, Palawan. Si Ortega ay isang mining activist. Bukod pa riyan, isa rin siyang radio broadcaster. Sa programa niya sa dwAR ng RMN tinutuligsa niya ang mining activities sa Palawan. Marami siyang nasagasaan sa kanyang matalim na batikos. Iyon ang naging dahilan kaya siya pinatay noong Lunes.
Nasa isang tindahan ng mga damit umano si Ortega nang barilin ng isang lalaki na nakilalang si Marlon Ricamata. Nahuli naman agad si Ricamata makaraang kuyugin ng taumbayan. Inamin ni Ricamata ang pagpatay. Sinabi ni Ricamata na sinundo umano siya sa Quezon at saka dinala sa Palawan. Hindi umano niya alam ang dahilan kung bakit ipinapatay sa kanya ang broadcaster-environmentalist. Binigyan umano siya P10,000 na paunang bayad. Na-trace naman ang may-ari ng ginamit na baril sa isang dating adminis-trator ng Palawan provincial government. Sinampahan na siya ng kaso.
Si Ortega ang ika-37th environmental advocate na pinatay mula 2001. Karamihan umano sa mga pinatay ay mining activists na kagaya ni Ortega. Si Ortega ang ikalawang environmentalist na napatay sa ilalim ni Pre-sident Aquino. Ang una ay ang botanist na si Leonardo
Co na binaril umano ng mga sundalo noong nakara-ang Nobyembre 2010.
Nakapangangamba na maubos ang mga environ-mentalist dahil sa sunud-sunod na pagpatay. Kamakailan, nabalita rin ang pagpatay sa ilang forest ranger. Ang mga maiimpluwensiyang illegal loggers umano ang nag-utos na itumba ang forest ranger. Simple ang dahilan: Para malayang makapagtumba ng puno.
Malaking hamon sa Aquino administration at mga awtoridad ang paglipol sa mga environmentalist. Dapat itong mahinto.