^

PSN Opinyon

Biak na Bato Lodge #7

ORA MISMO - Butch M. Quejada -

SA March 8, 2011 sa ganap na alas-3:00 pm gaganapin ang isang makasaysayan public installation ng mga bagong hangal este mali halal pala at appointed officers sa year 2011-2012 ng Biak na Bato Lodge #7 dyan sa Stanford Hall, ng Free and Accepted Masons Grand Lodge of Philippines sa San Marcelino St., Malate, Metro - Manila.

After the installation ang fellowship ay sa Aguinaldo Hall ng nasabing lugar gagawin kaya inaanyayahan ang lahat ng mga Masons na dumalo sa isang simpleng seremonya pero enggradeng kainan.

Ang mga incoming officers ng Biak na Bato Lodge #7 ay sina WB Dewey Huang, SW Wilfredo Cayabyab, JW Marc Sherwin Kho Choc, Treasurer Adriatico Tee, Secretary Wren Christopher Dones, Auditor Alex Daniel, Chaplain Lysandro Sanchez, Marshall Marvin Dave Mascardo, SD Omar Francisco, JD David Maniquis, SS Ronaldo Sarmiento, JS Albert Corres, Organist Joselito Cometa, Bible bearerthmas Valdellonm Orator Gerald Lay, Lecturer Remgio Lumicao, Tyler Ariel Elvambuena.

Sabi ni Brother Akok Tan, outgoing secretary ng nasabing loya, na huwag na hindi kayo pupunta sa installation ng kanyang mga ka-lodge.

Bakit?

Sagot - ibang klase ang tsibugan.  Tama ba, WB Dewey?

Ano pa hinihintay ninyo palabahan na ninyo ang mga barong nyo.

Abangan.

Matindi ang pulitikahan

HINDI makapaniwala ang mga kuwago ng ORA MISMO, ng may bumulong dito na mga asset nila na may namumuong samaan ng panahon este mali loob pala sa Philippine National Police.

Kaya naman tiryahan nang tiryahan sila ngayon pero maingat sila kung gumalaw.

Bakit?

Baka mabuko ang mga ambisioso?

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, isa sa mga planong upakan ng todo  ay si Region 3 Director Allan Purisima dahil gusto na itong pabagsakin dahil may kinabukasan si Allan sa PNP at baka bukas makalawa siya ang hirangin Hari dito.

Ayon sa mga asset after NCRPO Nick Bartolome hindi na maawat pa si Purisima kaya ito ang abangan ninyo.

Na maging CPNP siya?

Hindi ang sirain siya ng mga kalaban!

Abangan.

Si CPNP Raul Bacalzo

Kahit magpakamatay ang mga police sa paghuli ng mga kriminal sa Philippines my Philippines tulad ng mga carnappers at  carjackers hindi pa rin maalis ang mga  patayan tulad ng nangyari sa car dealers na anak ni Atty. Oliver Lozano at  kay Benson Evangelista.

Puera pa siempre ang nangyaring bus bombing sa EDSA-Buendia last Tuesday afternoon matapos matigok ang apat, may ilang tao ang nasa kritikal at 15 ang nasaktan.

Dahil dito kailangan ng umaksyon ang government of the Philippines my Philippines para ibalik ang death penalty sa mga buhong na gago.

Kasi kung hindi nila ito ibabalik at ipalalasap sa mga kamote hindi ito titigil at gagawa pa ng mga malalalang krimen sa madlang people.

Hangga’t walang ngipin ang batas parang wala lang nangyari dito dahil ang madlang people sa Philippines my Philippines ay madaling makalimot

Panahon na para baguhin ang umiiral na batas sa carnapping at kidnapping dahil madali para sa mga kriminal ang magpiansa at makalabas ng kulungan .

Ang mga bomber ay ihilera agad sa Lune­ta para mag-ala Dr. Jose Rizal ng barilin ito.

Mga inosenteng nilalang ni Lord ang kadalasan biktima ng mga karumal-dumal na krimen.

Alam ng mga kuwago ng ORA MISMO, na hindi nagpapabaya sa tungkulin si CPNP Raul Bacalzo dahil ayaw niya rin mangyari ito lalo’t siya pa ang hari sa kapulisan.

Admittedly, tall order talaga ang kinakaharap ni PNP chief Director General Raul Bacalzo hindi lang sa pagresolba ng high profile at sensational crimes, kundi sa pagpapataas ng crime-solution efficiency ng PNP.

Ayon sa report ng PNP mas bumaba ng 36.46% ang index crime volume noong Enero hanggang Nobyembre last year kaya  hindi tamang sabihin na lumalala ang kriminalidad ngayon sa kalsada pero ang problema nga lang nagkaroon ng bombahan blues sa kalye.

Ngayon ay muling nahaharap sa pagbatikos ng madlang people ang PNP dahil sa pagsabog ng isang pampasaherong bus sa EDSA kaya kailangan bigyan ito ng mabilis na solution at sagot sa madlang people.

Gamitin ni Bacalzo ang lahat ng resources para sa ikadarakip ng mga salarin.

Abangan.

ABANGAN

AGUINALDO HALL

ALBERT CORRES

AUDITOR ALEX DANIEL

AYON

BAKIT

BATO LODGE

RAUL BACALZO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with