ANG standing order ni P-Noy kay DILG Sec. Jesse Robredo, tukuyin at panagutin ang mga padrino ng mga carjackers. Kinailangan pang may maganap na trahedya gaya ng brutal na pagpaslang sa dalawang car dealers para magkaroon ng ganyang kautusan. Pero better late than never wika nga.
Ang mga carjackers ngayon ay marahas. Handang pumatay at itaya ang buhay. Palibhasa, on record na tumatabo ang sindikato ng daang milyong piso sa krimeng ito. Pero makakausad ba ang ganitong kriminalidad nang walang kasabwat na awtoridad? I’m sure not.
Bakit may mga carnapped vehicles na nairerehistro kung walang umaaktong padrino ng mga carnappers? Obviously, nagagapang ng sindikato ang LTO para ma-ging legal ang papeles ng mga nakaw na sasakyan, bagay na imposibleng mangyari kung walang kasabwat sa loob.
Dapat kumibo si LTO chief Asec. Virgie Torres dahil ahensya niya ang nadadawit. Hangga’t di siya kumikibo lalo siyang lulubog sa suspisyon. Kaso, magugunita na noong 2009 si Torres ay idinawit ng PNP sa kaso ng “mis-registration” ng Mitsubishi Pajero nang hepe pa siya ng LTO sa Tarlac office. Nabawi ang Pajero sa isang Samuel Fernandez ng La Trinidad, Benguet. Orihinal na nakare-histro ang Pajero sa LTO Roxas, Isabela at inilipat ang rehistro sa LTO Tarlac. Nalagyan pa ng personalized plate number (RJP 111). Paano nangyari ito?
Natuklasan ng mga nagsiyasat na ang file number nito (0232-00000009279) ay opisyal na naka-isyu sa isang Honda motorcycle sa LTO Roxas sa pangalan ng isang Josefina Razon ng Victoria, Tarlac at ang LTO Roxas ay walang records tungkol sa Pajero.
Lumilitaw na hindi nagampanan ng LTO Tarlac ang basic procedure sa pag-lilipat ng rehistro sa kaso ng Pajero. Nalaman na lang na nailipat na sa pangalan ng isang Dimsy Yap ng Upper Tomay, La Trinidad, Benguet ang Pajero. Nakapagtataka kung ba-kit ipinarehistro pa ni Yap (na taga-La Trinidad) ang sasakyan sa LTO Tarlac gayong may dalawang tanggapan ang LTO sa Cordillera region - LTO La Trini-dad Benguet at LTO Baguio City?
Kung seryoso si Presidente Noynoy na mabuwag ang sindikato sa carnapping, unahin munang busisiin ang procedure ng LTO sa rehistrasyon ng mga sasakyan. Halukayin ang mga kaso ng kaduda-dudang rehistrasyon at alamin kung sino ang dapat managot.