LUMALALA at lalong nagiging malikhain ang pamamaraan ng mga kriminal sa lipunan upang makapambiktima ng kapwa, ayon kay Sen. Chiz Escudero.
Ito’y matapos paunlakan ng Senador ang aming pa-nayam sa kaniya via phonepatch kahapon sa progra-mang BITAG Live. Hinggil ito sa kanyang panukalang alisin ang piyansa sa mga kasong carnapping.
Sang-ayon dito ang karamihan, ganundin ang BITAG. Sa simula pa lamang, paulit-ulit at patung-patong na kaso na ng karnaping ang inilapit sa aming tanggapan.
Iba’t ibang grupo, iba-iba ang pamamaraan at estilo subalit iisa ang pakay, nakawin ang sasakyan ng kanilang mapipiling biktima.
Sa mga kasong inilapit sa BITAG, dalawa ang naki-tang estilo kung paano isinasagawa ang krimen ng karnaping. Una, ang tinatawag na stolen while park.
Ito yung pamamaraan kung saan kinakarnap ang isang sasakyan habang nakaparada lamang maaaring sa parking lot, labas ng bahay at kung saan pang pampublikong lugar.
Sa pamamaraang ito nakilala ang grupo ng mga karnaper na pinamunuan ng napatay na si Ivan Padilla.
Ikalawa ay ang forcibly taken o ‘yung pang-aagaw sa sasakyan ng sapilitan mula sa may-ari nito, dito kadalasan nagaganap yung bayolente at may dahas mula sa mga suspek.
Sa estilong ito naman kilala ang grupo nina Dominguez, isa sa matunog na pangalan na umano’y nasa likod ng karumal-dumal na pagpatay kay Lozano at Evangelista.
Isa pang pamamaraan ng pangangarnap na lumolobo ang statistika sa mga panahong ito, ang rent-a-carnap o rent-tangay. Taong 2003 pa lamang, natrabaho na ang kasong ito ng BITAG.
Ang nakakalungkot dito, marami mang nahulog na sa aming patibong na mga karnaper sa mga nabanggit na estilo ng karnaping, lahat sila tuloy-tuloy lang ang ligaya sa pambibiktima.
Matagumpay ang mga nai-sagawang operasyon laban sa mga ito, nakasuhan at naikulong subalit ang masaklap, dahil sa kanilang karapatan na magpiyansa, patuloy na laya ang mga ito.
Sa ganitong sistema, tila yata nadadaig ng malikhaing isip ng sindikato ang pangil ng ating batas. Suportado ng BITAG ang panukala ni Sen. Escudero na tanggalan ng piyansa ang krimeng ito.