^

PSN Opinyon

Pangamba ni Rep. Tiangco

ORA MISMO - Butch M. Quejada -

NANAWAGAN si Navotas Rep. Toby Tiangco sa Malacañang na ibalik nila ang kinaltas na P1 billion annual budget ng MMDA ngayon year dahil dehins makakagalaw ng maayos ang nasabing tanggapan kasi nga kapos sa pondo.

 Sabi ni Tiangco sa mga Kuwago ng ORA MISMO, hindi na biro ang baha sa Metro-Manila tulad noon hinataw ng bagyong Ondoy ang iba’t ibang places sa Metro kaya naman malaking pinsala ang idinulot nito sa madlang people.

 Sabi nga, hindi biro ang mga namatay, nawalan ng bahay, kotse at iba pang uri ng ari-arian.

 Ika nga, billion of pesos ang damage todits.

 Nababahala si Tiangco, sa prediction ng PAGASA na tuluy-tuloy ang pag-ulan dahil sa La nina pehnomenon kaya naman nangangamba ito na baka magdulot ito ng malalim na pagbaha sa Metro-Manila.

Ikinabahala ni Tiangco, ang nangyari noon Nov. 15 dahil sa pag-apaw ng San Juan river naapektuhan ng malaki ang mga lugar sa Quezon City kaya naman grabe as in grabe ang nangyaring baha dito at naperwisyo ang madlang people dahil sa traffic na nilikha ng flood.

Sabi nga, walang galawan ang mga sasakyan sa  Araneta Avenue and E. Rodriguez Avenue. Ang trapiko ay umabot pa sa EDSA at Roxas Boulevard.

Sabi ni Tiangco, dapat magtulungan ang LGUs at MMDA sa pagpapatupad ng flood control program.

 Abangan

Banatan sa PNP

MUKHANG maagang bababa sa kanyang trono si PNP Chief Raul Bacalzo para mag-retiro ng mas maaga dahil sa sunud-sunod na kapalpakan nangyayari sa ngayon sa kapulisan?

Naku ha!

Totoo kaya ito?

Si Bacalzo, ay magreretiro sa September 15 this year dahil  56 years old na ito  kaya may walong buwan pa ito para pagharian ang kapulisan sa Philippines my Philippines.

Tanong - Tapusin kaya ni Bacalzo ang kanyang termino ng mas maaga?

Sagot - siya lang ang makakapagsabi niyan!

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, mas mabuti kung maagang magreretiro si Bacalzo para mabigyan ng pagkakataon ang may 1 year pang mga heneral na kualipikado na matikman para maupong hari sa PNP.

Sabi nga, tulad ng ginawa ni former CPNP Jess Verzosa na bumaba ng mas maaga para pagbigyan si Bacalzo.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, may mga kamoteng opisyal ng police na may mga ambisyong maging CPNP ang nag-umpisa ng bumakbak para sirain ang kredibilidad ng kanilang makakalaban sa puestong iiwanan ni Bacalzo.

Sabi nga, may black propaganda na ang mga kamote.

Unang target ng grupong binayaran para sirain ay si Director Rey Lanada, bossing ng PNP directorate for Comptrollership dyan sa Crame.

Inumpisahan bakbakan si Rey ng kalaban  regarding sa pahayag nito na ‘fiscal reform’ o ang modernization program ng PNP na sagot sa kapalpakan o gusot ng kapulisan.

Pinalabas ng mga kalaban ni Rey na hindi ang pagbili ng bagong kagamitan ang sagot sa gusot kundi kailangan ang isang liderato na expert sa paghawak ng crisis.

Kaya naman mukhang isinasama si Bacalzo dito dahil up to now ay siya ang police King sa Crame.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, si Rey ay isa sa mga qualified para maging CPNP kaya naman binakbakan na agad ang pobreng alindahaw  para harangin ito sa maaring ibigay sa kanyang puesto ni P. Noy.

Sabi nga, sinisira na ang  pagkatao, kredibilidad at dignidad ni Rey sa madlang people ng Philippines my Philippines partikular kay P. Noy upang  ang mga ambisiyoso ang maghari sa Crame.

Si Rey ay member ng PMA Class 79 pero may mga PMAers ang bumabanat na dito kasi nga may mga upper class pa siya na hindi pa magreretiro sa serbisyo.

Abangan.

Taguig at Pateros buhay ang jueteng

HINDI na pinaporma ni Ka Tom at Ka Adiong ang isang Allan Manuela sa Muntinlupa City matapos mabulgar sa newspaper ang operasyon nito sa jueteng the other week.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, pinagsabihan nina Ka Tom at Ka Adiong si Allan na gumawa ng paraan para hindi siya malagay sa peryodiko upang ang kanyang jueteng operations sa Muntinlupa City ay magtuluy-tuloy pero hindi ito nakayang pigilan ni Allan.

 Kaya ang naging ganti nina Ka Tom at Ka Adiong, ang sinasa­bing mga ‘mafia leader’ sa Muntinlupa City ay ipatigil ang jueteng operation ni Allan..

May mg gambling lord sa Laguna ang nagalit kasi kay Allan ng pasukin ng una ang operasyon ng jueteng doon.

 Sabi nga, sinusulot !

 Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, kahit nasarado ang Muntinlupa City at buhay na buhay ang kubrahan sa Taguig at Pateros ni Allan.

 Abangan.

AYON

BACALZO

KA ADIONG

KA TOM

KAYA

MUNTINLUPA CITY

PARA

SABI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with