^

PSN Opinyon

Lusubin at sugpuin!

K KA LANG? - Korina Sanchez -

NABASA ko yung ginawa ng South Korean Navy kung saan niligtas nila ang isang barko na bihag ng mga piratang Somalia. Patungo na yung barko sa pugad ng mga pirata nang lusubin ng mga navy commandos ang barko. Nang matapos ang putukan, walong pirate ang patay. lima pa ang nahuli, at ligtas ang 21 tauhan ng barko. Ang kumpanya na may-ari ng barko ay may-ari rin ng isang barko na binihag din ng mga pirata, at pinakawalan lang nang magbayad ng $9- milyon na pantubos. Kaya siguro sinikap ng mga pirata na humanap ng barko na pag-aari nung mga nagbayad, dahil nakatikim na ng malaking pera. Pero napuno na ang militar. Kaya kumilos para maparusahan na rin ang mga tulisan! Lusubin at sugpuin!

Ganito dapat ang trato sa mga kriminal. Mabilis at mabigat na hustisya. Hindi ko nga alam bakit tila ngayon lang kumikilos ang mga militar ng ibang bansa laban sa salot na Somali pirates. Napakalaki na ng kinita ng mga iyan. Mas masarap pa ang buhay kaysa sa maraming naghihirap magtrabaho para lang makapag lagay ng pagkain sa mesa. Sa ngayon, may mga 29 na barko at higit 700 opisyal at tripulante ang hawak pa ng mga pirata sa kanilang pugad. Marami sa mga iyan ay mga Pilipino!

Kung susundan ng lahat ng militar sa lugar ang ginawa ng South Korean navy, tiyak na bababa ang bilang ng mga hijacking sa Somalia. Kapag mabigat ang parusa, madugo ang haharaping sentensiya, magdadalawang-isip na ang mga pirata na iyan. Alam kasi nila na hindi lumalaban ang mga tripulante, kaya nawili na nang husto. Kasalanan rin ng mundo kung bakit lumaganap na ang mga pirata sa Somalia.

Iyan ang dapat isipin ng mga mambabatas ukol sa duma­dami at mas marahas na krimeng nagaganap ngayon. Mga batas na magbibigay ng takot sa kriminal. Mga batas na may pangil. Hindi yung pera lang ang katapat ng kalayaan. Hindi yung pitik lang sa kamay ang parusa. Iba na ang kriminal ngayon. Pumapalag na sa kapulisan, sa batas ng lipunan. Panahon na para maibalik ang lipunan sa kamay ng mga mamamayang sumusunod sa batas!

ALAM

BARKO

GANITO

IYAN

KAPAG

KASALANAN

KAYA

SOUTH KOREAN

SOUTH KOREAN NAVY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with