^

PSN Opinyon

Mamalakaya ng tao

GLORIFY THY NAME - Fr. Edd B. Lleva -

MULI nating mapapansin sa aklat ni Isaias ang kanyang pagpapahayag ng liwanag. Sa Galilea ng mga Hentil, ang mga tao ay nakatanaw ng isang malaking liwanag at namanaag ang liwanag na ito sa mga taong nabubuhay sa kadiliman. “Panginoo’y ating tanglaw, siya’y ating kaligtasan”.

Maging sa pananampalataya kay Hesus ay hingin natin ang liwanag upang magkaisa tayo. Ipinapaalaala sa atin ang mga pagtatalo noong panahon ni Pablo: “Magkaisa kayo sa pananalita, isipan at layunin upang mawala sa inyo ang pagkaka baha-bahagi”.

Ang iba’t ibang relihiyon ay laganap na sa buong daigdig. Sa ating bansa lamang na pinagsilangan ng Kristiyanismo mahigit kumulang na 490 taon na ang nakakalipas ay marami na ring relihiyon na naglitawan.

Sa aming kaparian ang ipinangangaral namin ay ang kabuuan at paliwanag sa Salita ng Diyos at pagdiriwang ng Huling Hapunan. Hindi kami bumabanggit o naninira ng ibang relihiyon. Bakit yung iba sa kanilang panga-ngaral ay laging pahapyaw na naninira ng ibang relihiyon. Kataka-taka na sa pangangaral ng ibang relihiyon ay hindi magiging buo ang kanilang pagsamba sa Diyos kung walang paninira sa mga Kristiyano-Katoliko.

Kaya sa pangangaral ni Hesus ay hindi Niya binabanggit ang ibang pananampalataya at aral. Ang palagi Niyang sinasabi ay: “Pagsisihan ninyo’t talikdan ang inyong mga kasalanan, sapagkat malapit nang maghari ang Diyos”.

Ang relihiyon ay isa lamang tulong upang mapagbuti at mapagtibay ang ating kapwa. Ang pinakamahalagang gabay ay ang ating pagtupad sa utos ng Diyos, pag-ibig sa Kanya at sa ating kapwa. Higit sa lahat ay ang patuloy nating pagsisisi sa ating   mga nagawang kasalanan.

Tulad nina Pedro, Andres. Santiago at Juan ay tinitipon din tayo ni Hesus upang sumunod sa Kanya at mangaral ng kabutihan at kabanalan. Palaganapin natin ang Salita ng Diyos. “Sumunod kayo sa Akin at gagawin Ko kayong mamamalakaya ng tao”.

Isaias 8:23b, 9:3; Salmo 26; 1Cor 1:10-13, 17 at Mt 4:12-23

ANDRES

ATING

DIYOS

HESUS

HULING HAPUNAN

ISAIAS

KANYA

SA GALILEA

SALITA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with