^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Patuloy pa rin ang kidnaping

-

HINDI lamang sa Metro Manila namamayagpag ang mga kidnaper kundi pati sa probinsiya. Mayayamang Pilipino-Chinese din ang binibiktima. Wala namang magawa ang Philippine National Police (PNP) sa patuloy na pagdagit ng mga kidnaper kaya nangangamba ang mga mayayamang Tsinoy na marami pa sa kanila ang makidnap. Noong nakaraang taon, 10 Tsinoy ang kinidnap at lahat ng mga ito ay nagbayad umano ng ransom. Hindi naman masabi kung magkano ang ibinayad na ransom sapagkat ayaw magsalita ng mga kaanak ng biktima.

Ang mga lugar sa Mindanao na patuloy na namamayagpag ang mga kidnaper ay ang Lanao del Sur, Maguindanao at North Cotabato. Walang takot ang mga kidnaper sa mga nabanggit na lugar sapagkat kahit sa mataong lugar ay dinadagit ang kanilang target. Marahil, ang kawalan ng police visibility ang dahilan kaya masyadong malakas ang loob ng mga kidnaper. Noong nakaraang linggo, sinabi ng PNP na dadalhin nila ang puwersa sa Mindanao para putulan ng sungay ang mga kidnaper.

Ang sinasabing unang nakidnap na Tsinoy nga-yong 2011 ay ang negosyanteng si Adin Yu. Kinidnap si Yu sa mismong harapan ng Estosa Garden Hotel sa Cotabato City. Galing umano sa paglalaro sa casino si Yu kasama ang kanyang asawa nang abangan ng mga kidnaper. Paglabas ng mag-asawa sa hotel, isang sasakyan umano ang tumigil, dalawang lalaking armado ang bumaba at lumapit kay Yu at sapilitan itong itinulak sa sasakyan. Walang ginawa sa asawa ni Yu. Mabilis na tumakas ang mga kidnaper tangay si Yu. Hanggang sa sinusulat ang editorial na ito, wala pang report kung ano ang nangyari kay Yu. Si Yu umano ang nagmamay-ari ng pinakamatandang hardware store sa Cotabato City.

Patuloy ang pamamayagpag ng mga kidnapper. Totoong may napatay na mga lider ng kidnap-for-ransom ang mga awtoridad pero muling nagbuo ng pangkat ang mga tauhan. Nadurog nga ang ulo pero buhay naman ang mga kamay at iba pang bahagi ng katawan. Kung nagawa ng PNP na durugin ang ulo, dapat durugin din ang iba pang bahagi para matiyak na wala nang problema. Siguruhing wala nang hininga.

vuukle comment

ADIN YU

COTABATO CITY

ESTOSA GARDEN HOTEL

KIDNAPER

MAYAYAMANG PILIPINO-CHINESE

METRO MANILA

MINDANAO

TSINOY

YU

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with