^

PSN Opinyon

'Troublemaker', hindi 'troubleshooter'

DURIAN SHAKE -

HINDI na nagtaka ang madla nang itinalaga ni President Aquino si dating senador Mar Roxas bilang kanyang “trouble shooter” isang taon pagkatapos nitong natalo sa kanyang kandidatura bilang bise presidente noong May 10, 2010 elections.

At kahit na hindi pa nga nakaupo si P-Noy, hindi naman nawawala si Roxas sa kanyang tabi. Hanggang sa mga unang araw ni P-Noy sa kanyang panungkulan, visible na visible si Roxas sa halos lahat ng lakad nito maging sa una nitong provincial sorties noong 2010 sa Cebu City at Davao City at lalo na sa first official trip ng presidente sa United States.

At sa mga darating na buwan tiyak na lantaran nang makikita ng mga mamamayan kung gaano kalawak ang kapangyarihan ni Roxas sa Aquino administration.

Kaya tumabi ka na Executive Secretary Jojo Ochoa, paraanin ang tunay na “Little President” na si Roxas.

Ngunit iba ang pananaw ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) sa pagpasok ni Roxas sa hanay ng mga opisyales na nasa poder ni P-Noy.

Para sa MILF si Roxas ay “troublemaker” at hindi “troubleshooter” kung ang pag-usapan ay ang usaping pangkapayapaan ang tutukuyin.

Para sa MILF si Roxas ang naging No. 1 ‘spoiler’ sa peace process dahil nga sa oposisyon nito sa naunsiya­ming proposed “Memorandum of Agreement on Ancestral Domain’ (MOA-AD).

Ngayon ay tinatanong na ng MILF kung ano nga ba ang paninindigan Aquino administration sa peace process lalo na ngayong lantaran nang papasok si Roxas.

Sinabi ng MILF na sa pagkatalaga kay Roxas sa isang mahalagang posisyon sa pamahalaan ibig sabihin noon na hindi rin interesado si P-Noy na magkaroon ng paglagda ng final peace agreement sa nasabing rebeldeng grupo.

At sa ngayon, napagkasunduan ng dalawang panels na bumalik sa negotiating table para sa resumption ng formal peace talks ngayong February 9 to 10 sa Kuala Lumpur, Malaysia.

Kung saan patungo ang pag-uusap na ito sa pagitan ng pamahalaan at ng MILF ay nakasalalay sa sinseridad ng dalawang panig.

Kaya malaking hamon ngayon para sa pamahalaang Aquino na ipakita na talagang totoo ito sa pakikitungo sa MILF kahit na andiyan na si Roxas sa hanay nito.

ANCESTRAL DOMAIN

AQUINO

CEBU CITY

DAVAO CITY

EXECUTIVE SECRETARY JOJO OCHOA

KAYA

KUALA LUMPUR

LITTLE PRESIDENT

P-NOY

ROXAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with