^

PSN Opinyon

Santo Niño

GLORIFY THY NAME - Fr. Edd B. Lleva -

KUNG ipinahayag ni Isaias na darating ang panahon na ang bayang malaon nang nasa kadiliman ay makatatanaw ng isang malaking liwanag ay naganap na matapos ang mahabang panahon. Nagliwanag na sa sandaigdigan sa pagsilang ng anak ng Diyos na Buhay.

Kaya’t magpasalamat tayo sa Diyos at Ama ng ating Panginoong HesuKristo. Pinagkalooban niya tayo ng lahat nang pagpapalang espiritwal dahil sa ating pakikipag-isa kay HesuKristo.”

Ngayong linggong ito ay sa ating bansang Pilipinas lamang ipinagdiriwang ang kapistahan ng Banal na Sanggol o Santo Niño. Ang sentro ng ating kasayahan ay ang bayan ng Cebu na kung saan ay dinala ng mga Kastila ang kauna-unahang imahen ng Santo Niño bilang regalo kay Reyna Humabon noong sakupin nila ang bahaging ito ng daigdig na siyang pinagmulan nitong bansang Pilipinas. Simula noon ay naging bahagi ng ating buhay at pananampalataya na ang Banal na Sanggol na si Hesus. Pinipintakasi natin Siya para sa mga pagpapalang hinihingi natin sa Diyos Ama.

Dito din natin napagtanto na tayong mga Piipino ay mapagmahal sa mga sanggol at maliliit na bata kahi’t   na hindi natin sila kadugo o kamag-anak. Sabi ni Hesus: “Tandaan ninyo ito. Kapag hindi kayo nagbago at tumulad sa mga bata, hinding-hindi kayo mabibilang sa mga pinag­haharian ng Diyos”. Kaya’t magpakababa tayo tulad ng mga bata. Huwag nating pabayaan ang mga sanggol. Sila’y binabantayan ng kanilang mga anghel na tagapagtaguyod: “Ingatan ninyo na huwag hamakin ang isa sa malililiit na ito. Sinasabi ko sa inyo sa langit ang kanilang mga anghel ay laging nasa harapan ng ating Ama”. Maging inspirasyon natin ang mga bata upang tayo rin ay maging malinis ang buhay at walang kaaway.

 Lubusan kong binabati ang kapistahan ng parokya ng Santo Niño de Parada, Santa Maria, Bulacan sa pamumuno ng kanialng kura paroko na si Fr. Froilan R. Austria. Siya din ay magdiriwang ng kanyang ika-25 taong pagka-pari ng ating simbahan sa Marso 19, 2011. Happy advanced anniversary!

Is9:1-6; Salmo97; Efeso1:3-6, 15-18 at Mt18:1-5,10

ATING

DIYOS

DIYOS AMA

FROILAN R

HESUS

KAYA

PILIPINAS

REYNA HUMABON

SANTO NI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with