^

PSN Opinyon

'2011 Hulidap' (Manila Police District) (Last Part)

BAHALA SI TULFO - Ben Tulfo -

KAWAWANG hepe ng District Anti-Illegal Drugs ng Ma­nila Police District, walang kamuwang-muwang sa kalokohang kinasangkutan ng kaniyang mga tauhan.

Bulong sa BITAG ni C/Insp. Richard Madlangbayan, kauupo lamang niya bilang hepe ng nasabing departamento. Lumalabas, tila iniputan siya sa bumbunan ng kanyang mga tauhan.

Sa tanggapan ng Deputy Director for Operation Senior Supt. Fidel Posadas, nakaharap ng BITAG ang team leader ng mga pulis HULIDAP este mga pulis na nagsagawa ng buy bust operation laban sa mag-asawang Muslim.

Sa harap mismo ng kanyang hepe na si Maj. Madlangbayan at opisyal na si Col. Posadas, nadulas si Insp. Pama nang sabihin niya sa BITAG na dati na nilang nahuli ang mag-asawa.

Ito’y matapos niyang pangatawanan na talagang nagtutulak umano ng droga ang mag-asawa. Nang mahulog siya sa patibong na kumprontasyon ng BITAG, biglang nag-iba ang ihip ng hangin.

Hindi niya umano alam kung sinong departamento sa MPD ang dating humuli sa mag-asawa. Hulog sa BITAG ng kasinungalingan!

Isa pang bubukol sa kasong ito, hindi daw niya asset ang nagturo sa mag-asawa na nagtutulak ng droga. Ibig sabihin, inabuso at hindi ginamit sa tamang imbestigasyon ang info reference na mula sa kanilang asset kuno.

Ang nakakatawa pa rito, sa report umano ng mga pulis DAID-MPD, limangdaang piso raw ang ginamit na marked money sa pag-entrap sa mag-asawang Muslim.

Subalit sa sumbong ng mag-asawang biktima at mga kaanak nito na kasamang nagtitinda noong mga oras na sila ay hinuli, isangdaang libong piso ang pe-rang ginamit sa kanila.

Pang-huli, hindi na naka-imik pa si Insp. Pama nang tanungin siya ng BITAG kung bakit Enero 4 ng hapon nahuli ang mag-asawa, Enero 6 ng alas-10 ng umaga na-inquest ang mga ito.

Kung iisiping maigi, tu­matama sa sumbong ng mga biktima at mga kamag-anak na sa pagitan ng a-kuwatro ng gabi hanggang a-sais ng umaga, nakiki-pagnegosasyon pa ang mga pulis DAID sa mga biktima na magbigay ng P120,000.

Para sa BITAG, makakapagsinungaling ng paulit-ulit sa harap ng camera ang mga suspek sa kasong ito, subalit hindi sa kanilang puso, isip at konsensiya. Ma­lusutan man nila ang batas ng tao, sa mata at batas ng Diyos, hindi makaliligtas   ang kahit sino.

Kasalukuyang grounded  at disarmado ang mga sangkot na pulis DAID-MPD sa kasong ito habang nag­sasagawa ng imbestigas­yon ang pamunuan ng MPD.

Mananatili kaming nakatutok sa kasong ito.

BITAG

DEPUTY DIRECTOR

ENERO

FIDEL POSADAS

MAG

OPERATION SENIOR SUPT

PAMA

POLICE DISTRICT

RICHARD MADLANGBAYAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with