^

PSN Opinyon

Donated pala

REPORT CARD - Ernesto P. Maceda Jr. -

DAHIL regular ko itong binabaybay, matagal ding pinagtakhan kung bakit ang Quezon Avenue na nagmumula sa Quezon Memorial Circle sa Diliman, tinatawid ang EDSA at tinutuhog ang pagkahaba-habang daan patungong Maynila ay biglang magbabago ng pangalan pagkalampas ng Welcome Rotonda. Mula Welcome hanggang umabot ito sa Lerma at Nicanor Reyes Sts., ang Quezon Avenue ay nagiging Espana Boulevard.

Ang Espana Boulevard ay bahagi ng dating pribadong lupa na pag-aari ng pamilyang Legarda ng Maynila. Bilang tulong sa publiko, minabuti nitong i-donate ang lupa nang matayuan ng lansangan o avenida. Kaya lang nga, ang donasyon ay may kondisyon. Bilang pagpugay sa kanilang inang bayan, ang itatayong lansangan ay papangalanang ESPANA at kailanma’y hindi ito maaring baguhin. Oras na ang pangala’y palitan, mawawalan ng bisa ang donasyon at babalik sa pag-aari ng pamilya Legarda ang lupa.

Napabalita kamakailan ang plano ng pamahalaang isapribado ang mga lupang kinatatayuan ng mga kampo sa EDSA. Naalala ko ang kwento ng Espana Blvd. dahil ganun din ang sitwasyon ng Crame at Aguinaldo. Bahagi ng dalawang higanteng Kampo ay donasyon ng pamil-yang Ortigas o Valdez – balita ko’y hindi pag-aari ng lupa kung hindi paggamit lang ng lupa o “usufruct”. At ang donasyon ay may kolatilya rin na kapag hindi na gamitin bilang kampo ay mababalik ito sa pamilya.

Ang Espana Boulevard kahit pa mas kilala bilang Espana River kapag umuulan ay mahalagang bahagi ng daloy ng komersyo sa lungsod. Kung tutoo man ang kondisyon sa pagpangalan nito, wala naman sigurong mangangahas na ipagsapalaran ang pag-aari nito at ipangalan sa kung sino mang sikat na Pilipino. Hindi sulit, ‘ika nga, ang parangal na ibibigay kung ang kapalit nito’y mawawala sa tao ang pag-aari ng Espana Blvd.

Iba ang matematiks sa mga Kampo. Sa kulang kulang 220 hektarya, mga 34 hectares nito ang donated at maaring maglaho kung gamitin ang lupa sa ibang paraan o ibenta tulad ng plano. Malaki ang mawawala kung tutuusin. Subalit sa maaring kitain sa bentahan ng nalabing 186 hectares at sa benepisyo ng paglipat ng mga kampo sa mas nababagay na lugar, masasabi bang hindi ito sulit?

vuukle comment

ANG ESPANA BOULEVARD

BILANG

ESPANA

ESPANA BLVD

ESPANA BOULEVARD

ESPANA RIVER

KAMPO

LEGARDA

MAYNILA

MULA WELCOME

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with