Elmer, namayagpag sa Munti at Parañaque
TODAY, January 8, 2011, opening con blessing ng jueteng operasyon ng isang Elmer Nepomuceno sa Muntinlupa City dahil napatalsik nila ang dating gunner ng 137 doon kaya naman dalawa na ang teritoryo nila ang Muntinlupa City at ang Parañaque City na nagbukas noon Lunes.
Kaya naman tuwang-tuwa ang grupo ni Elmer kasama ang kanyang pakner este mali partner pala na Chinese-Filipino mestizo dahil maganda ang engreso sa bayan ni Parañaque City Mayor Jun Bernabe P700,000 ang kinabig sa opening day at malamang umabot ito ng P1 to P1.5 million kahapon.
Sangkatutak kasi ang mananayang tumatangkilik ng 137 sa lugar ni Mayor
Bernabe?
Naku ha!
Totoo kaya ito?
Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, nilakad ng grupo ni Elmer ang precinct level para suhulan ang mga bobo cop doon upang huwag silang guluhin.
Sinabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, hindi lang mga kamoteng pulis ang kinurap nina Elmer kundi pati mga barangay kawatan sa mga lugar ng Parañaque City na may kubrahan blues.
Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, binigyan lang ng up to January 15 si Elmer para palakasin ang kanilang jueteng collection sa Parañaque at Muntinlupa dahil kapag hindi nakuha ang expectation ng kabakas niyang Filipino-Chinese mestizo ang napagusapan nilang salapi tiyak sipa ang una at balik sa dating management ang sugalan blues.
Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, kukunin muli ng grupo ni Elmer ang buong southern part ng Metro-Manila para sa kanilang illegal operation.
Nagtataka naman ang mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, dahil mabilis na nakalimot ang mga mananaya ng jueteng ng bumangka ang grupo nito sa southern Metro-Manila.
Bakit?
Tinakbuhan ni Elmer ang mga nanalong mananaya doon kaya naman galit na galit ang mga kubrador at kabo dito.
Sabi nga, hindi nagbayad ng mga patama.
Abangan.
************
RAFAEL PALMA Lodge No. 147
55th INSTALLATION OF OFFICERS
January 15, 2011 (Saturday) 2PM
Lodge officers for masonic year 2011
Worshipful Master HILARIO M. FARCON JR.
Senior Warden Roy V. Pangilinan
Junior Warden Michael Gion V. Rivera
Treasurer Arlen P. Barrameda, PM
Secretary Guillermo B. Lazaro, JR., PDDGM
Auditor Agapito O. Francisco,PM
Chaplain Geoffrey B. Mendoza, IPM
Marshall Oscar M. Joves
SeniorDeacon Abelardo Gerard P. Mendoza III
JuniorDeacon Reden C. Salita
Lecturer Augusto E. Alvarez, PDGL
Historian Benjamin A. Torres, PAGS
Almoner Celso A. Mendoza, PM
Custodian of Work Renato A. Reyes, PM
SeniorSteward Janus S. Nobleza
Junior Steward Emmanuel Hizon
Organist Antonio B. Lazaro, PM
Tyler Zito C. Ochoa, PM
Harmony Officer Rommel SJ Corral , PDGL
installing team
VW GUILLERMO B. LAZARO, JR.,
Installing Officer PDDGM
Master of Ceremony VW Arnold V. Garcia, PDGL
Asst. Master of Ceremony Bro Julian Reyes
- Latest
- Trending