Iwas gahasa
KINAPANAYAM ang ilang rapists sa preso sa Louisiana upang pag-aralan kung sino ang pinupuntirya nilang biktima. Ito ang mga lumabas sa pagsisiyasat:
Unang pinapansin ang mahabang buhok. Mas malamang nilang atakihin ang naka-ponytail, tirintas o pusod — dahil madaling hablutin.
Ikalawang pinapansin ay kung madaling matanggal ang damit. Marami sa rapists ay nagbibitbit ng panggupit ng tela.
Puntirya rin nila ang babaeng abala -- may kausap sa cell phone, naghahalungkat ng handbag, o maraming bitbit -- kasi lingat sa atake.
Malamang umatake sila sa umaga, sa pagitan ng 5 at 8:30.
Pinaka-maraming insidente ng rape at abduction sa malalaki pero walang tao na parking lots at public toilets.
Lumabas sa mga panayam na ilag ang rapists sa babaeng may bitbit na payong o katulad na bagay na maaring panundot o panangga. Magpapabagal kasi ito sa kanilang pakay. Dinadaan nila sa bilis ang paghablot at pagdala sa ibang lugar ng gahasa.
Nagbigay ang rapists ng ilang payo sa pag-depensa ng mga babae:
Kapag binubuntutan kayo sa elevator o hagdanan, makipag-eye contact at magtanong (ng oras) o magkomentaryo (sobrang init ng panahon). Dahil nakita niyo ang kanyang mukha, mag-aalala siya na maituro niyo sa pulis.
Pag may papalapit sa inyo na kaduda-duda, itaas ang dalawang kamay at sumigaw ng, “Tigil!” Karamihan sa ininterview na rapists ang nagsabing iniiwan na lang nila ang babaeng pormang manlalaban. Pakay nila ay “easy target.”
Kung sunggaban sa baywang mula sa likod, sikapin makaalpas. Baliin ang kanyang mga daliri, o kurutin sa braso, lalo na sa pagitan ng siko at kilikili, o sa may singit.
Saka tirahin sa mata at maselang parte.
• Huling payo: Laging maging alerto. Iwasan ang pag-iisa. Sundin ang kutob. Hindi bale mapahiya sa pagiging atrebida, kaysa naman maatake.
- Latest
- Trending