^

PSN Opinyon

Jueteng

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas -

KAYA pala hindi napapansin ni PNP chief Dir. Gen. Raul Bacalzo ang jueteng ay dahil abala siya sa kapapagpag ng mga taong gustong sumulot sa puwesto niya. Lumalakas kasi ang ugong sa Manila Police District na may opisyal ng PNP na sugat-sugat na ang siko at tuhod sa kagagapang sa Palasyo para hirangin na kapalit ni Bacalzo. Kaya abo’t langit ang sangga ni Bacalzo sa mga paninira ng kapwa niya PNP official at wala nang panahon para sa jueteng at tumataas na kriminalidad sa Metro Manila. Sa totoo lang, si Bacalzo lang at mga alipores niya ang naniniwala sa propaganda nila na bumaba ng 40 porsiyento ang kriminalidad sa bansa. Ayon sa mga kausap ko sa MPD, ang buwan na ito ang taning ng karibal ni Bacalzo para masungkit ang trono ng PNP. Kaya wala nang gagawin si Bacalzo ngayong Enero kundi magdepensa para manatili sa puwesto.

Para sa kaalaman ni Bacalzo, ang Pangasinan ang ginawang halimbawa kung bakit nagbukas muli ang jueteng. Mukhang drama lang ang ginawang pagmamakaawa ni Gov. Amado Espino sa Senado ng lumutang siya sa isang hearing matapos pangalanan na sangkot siya sa jueteng. Kung inutil si Espino sa jueteng sa Pangasinan, ganun na rin ang director ng PRO1 na si Chief Supt. Franklin Bucayu at provincial director na si Sr. Supt. Ros Ricaforte. Hindi ba’t si Ricaforte ay hindi itinatago ang ambition na maging management ng jueteng sa Pangasinan kapalit ni Espino? Naglalaway na si Ricaforte na makamtan ang ambition niya, ayon sa kausap ko sa MPD. Sa takbo ng juteng sa Pangasinan sa ngayon, mukhang nakuha na ni Ricaforte ang minimithi niya. Kung sabagay, hindi naman mahirap puksain ang jueteng sa Pangasinan dahil hindi naman nabago ang mga personalidad na nagpapatakbo nito, di ba Mayor Ric Odruna Sir?

Para sa kaalaman nina Bacalzo, Espino, Bucayu at Ricaforte, si Boy Bata ang nag-ooperate sa Binmaley, Lingayen, Bugallon, Dagupan City at San Fabian. Si Lito Mallorca naman na na-raid ng SAF kamakailan ay sa Bayambang, Malasigui, Mangaldan, Manaoag at Mapandan. Si Anthony Ang Co naman ang sa 5th district at alyas Marlon sa 6th district. Samantalang si Raul Sison naman sa Mangatarem, Urbiztondo at Basista at Bebot Villar naman sa Villasis, Sto. Tomas, Alcala, Bautista at Carmen. Kung full blast ang operation ng jueteng sa Pangasinan, aabot sa P3.6 bilyon ang kikitain nito sa isang taon. At sa bawat piso na makolektang taya, 3 percent ang mapupunta sa governor, provincial director, habang 7 percent naman ang sa mayor. Siyempre, me padulas din sa opisina ni Bacalzo at Bucayu. O ngayon, paano mapupuksa ang jueteng sa Pangasinan, Bishop Oscar Cruz Sir? Bakit tahimik ka sa ngayon vs jueteng? Abangan!

vuukle comment

AMADO ESPINO

BACALZO

BEBOT VILLAR

BISHOP OSCAR CRUZ SIR

BOY BATA

BUCAYU

CHIEF SUPT

JUETENG

PANGASINAN

RICAFORTE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with