^

PSN Opinyon

Kung walang corrupt walang OFW

- Roy Señeres -

Ayon sa latest survey ng SWS, 93 percent daw ng mga kababayan natin ay umaasa na gaganda ang buhay nila sa taong 2011.

Itong survey na ito ay kakambal ng survey ng Pulse Asia at ng SWS noong nakaraang dalawang linggo na nagsasabing ang mga Pilipino ay may malaking tiwala kay PNoy.

Walang kadudaduda na ang malaking tiwala nating mga Pinoy kay PNoy at ang malaking pag-asa natin na gaganda ang buhay natin sa 2011 ay dahil alam na ng karamihan na si PNoy ay matuwid, hindi corrupt.

Anim na buwan na siya sa panunungkulan pero di nasangkot ang pangalan niya sa ano mang anomalya. Kung natatandaan pa ninyo, wala pang isang buwan noon sa panunungkulan si GMA at si bigotelyong Nani Perez nang masangkot ang pangalan ng dalawa sa PEA-Amari deal kung saan milyun-milyong dolyares diumano ang pinag-piyestahan ng dalawa.

Tama si PNoy. Kung walang corrupt, walang mahirap. Kaya maraming Pinoy ang mahihirap dahil milyun-milyon ang walang trabaho. Paano kasi, pera ng gobyerno na igastos dapat sa proyektong lilikha ng maraming jobs ay sinisikwat ng mga corrupt.

Kung maraming patrabaho sa Pilipinas, wala ng Pinoy na mangibang bansa. Kaya kung walang corrupt, walang OFWs.

Hopeful New Year to all!

AMARI

AYON

HOPEFUL NEW YEAR

ITONG

KAYA

NANI PEREZ

PAANO

PINOY

PULSE ASIA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with