^

PSN Opinyon

'Lehitimo ang job order, bogus ang recruiter'

BAHALA SI TULFO - Ben Tulfo -

NAGBIBIGAY babala ang BITAG sa mga nagpapakilalang broker, ahente o recruiter na lumilibot ngayon sa mga probinsiya sa bansa.

Modus ang dala ng mga taong ito kung saan bitbit ang mga papeles na sinasabing job order kuno. Naghahanap umano sila ng mga empleyado para sa Canada.

Huwag palilinlang dahil tunay nga ang dala nilang mga job order at totoong may hiring sa nasabing bansa subalit hindi naman mga lehitimong recruiter ang may dala nito.

Lumalabas, ginagamit na patibong ang mga lehiti-mong job orders upang makasilo ng mga biktima. 

Ang target pa naman ng mga kawatang ito ay ‘yung mga nasa probinsiya na nagnanais mangibang bansa upang makapaghanap-buhay.

Hindi alintana kung magkano ang halagang hinihingi ng mga katransaksiyong recruiter o ahensiya. Ang masaklap dito, isasanla o ibebenta ang lahat ng kabuhayan, sa pag-asang makakapagtrabaho sa labas ng bansa.

Subalit oras na makapagbigay ng malaking pera sa mga manlolokong broker, ahente o recruiter, maglalahong parang bula ang mga ito. Ang mga pangarap at naisugal na kabuhayan, kasamang nawala ng mga suspek.

Sa paulit-ulit na babala ng BITAG at ng kinauukulan. Huwag na huwag makipagtransaksiyon sa mga estrang-hero o mga nagpapakilalang mapapaalis kayo sa mada-ling panahon lamang upang mangibang bansa.

Maaaring lehitimo ang kanilang mga ipinapakitang dokumento mula sa gobyerno tulad ng job order subalit ang ka­nilang pagkatao at pakikipagtransaksiyon ay kuwestiyonable, peke!

Alamin kung mayroon silang lisensiya o pahintulot mula sa Philippine Overseas and Employment Agency na magpaalis ng mga manggagawa palabas ng bansa. Hindi na imposible ang sistema ng pagchek na ito sa pamamagitan ng website o di kaya’y pagtawag sa numero ng nasabing tanggapan.

Sa mga oras na ito, patuloy ang paglilibot ng mga taong ito na ang dala ay modus. Bago magpapaniwala at magpadala sa kanilang pangako, magdalawang isip, magduda at mag-imbestiga.

vuukle comment

ALAMIN

BANSA

HUWAG

LUMALABAS

MAAARING

NAGHAHANAP

PHILIPPINE OVERSEAS AND EMPLOYMENT AGENCY

SUBALIT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with