^

PSN Opinyon

EDITORYAL - Anong say ni Trillanes sa paglaya ni Garcia?

-

HALOS magkasunod na lumaya sina Sen. Antonio Trillanes IV at si retired Maj. Gen. Carlos Garcia. Si Trillanes ay inakusahan ng rebelyon dahil sa pagsalakay sa Oakwood noong July 2003 at sa Manila Peninsula Hotel noong Nob. 2007. Binigyan siya ng amnesty ni President Aquino. Sabi niya nang makalaya, wala na raw mangyayaring kudeta sa administrasyon ni Aquino. Sinasabing dahilan ng pag-aaklas ni Trillanes at mga kasamahan niya sa Magdalo ay dahil sa talamak na corruption sa gobyerno at sa military na rin mismo. Hiniling nina Trillanes noon na mag-resign sa puwesto si dating President Gloria Macapagal-Arroyo.

Samantala, si General Garcia naman ay dating comptroller ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na inakusahan ng pandarambong. Nakakulimbat siya ng P300-milyon sa kaban ng Sandatahang Lakas. Nadiskubre ang pangungulimbat ni Garcia nang mahuli sa Los Angeles airport ang kanyang asawa at mga anak na may dalang sandamukal na dollars. Pinigil sila sa airport dahil hindi maipaliwanag kung saan galing ang maraming pera. Ipinahamak si Garcia ng asawa sapagkat ikinanta ang mga aktibidades ng dating heneral kung paano tumatanggap ng pera. Iyon na ang simula kaya nadiskubre ang mga ginagawang katiwalian ng dating heneral. Simula 2004 ay nakakulong na si Garcia.

Noong nakaraang linggo, lumaya na si Garcia sapagkat nakapag-post ng P60,000 bilang piyansa. Marami ang nagulantang sapagkat walang bail ang kaso niya. Iyon pala nakipag-deal si Garcia sa Office of the Ombudsman. Pumasok siya sa “plea bargain agreement’’ kung saan ibabalik ni Garcia ang natitira umano sa kinulimbat na pera.

Maraming bumatikos sa Office of the Ombudsman sapagkat nawalan ng saysay ang mga pagsisikap na makasuhan si Garcia. Hahantong lamang pala sa areglo. Maski ang mga matataas na general sa AFP ay tutol sa pakikipag-ayos ni Garcia sa Ombudsman. Sila raw ang talo rito sapagkat pera nila ang kinulimbat ni Garcia. Dapat daw ituloy ang kasong pandarambong kay Garcia.

Marami ang bumabatikos at nanggagalaiti sa galit dahil nakalabas ng piitan ang mandarambong na si Garcia. Pero nakapagtataka naman na walang sinasabi si Trillanes sa kaso ni Garcia. Ang akala namin, galit si Trillanes sa mga corrupt sa pamahalaan. Akala namin, ayaw niya sa mga mandarambong at umuubos sa pera ng taumbayan. Bakit wala siyang say kay Garcia na mismong pera ng AFP ang nilimas ?

ANTONIO TRILLANES

ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES

CARLOS GARCIA

GARCIA

GENERAL GARCIA

IYON

LOS ANGELES

OFFICE OF THE OMBUDSMAN

TRILLANES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with