^

PSN Opinyon

Susmaryosep!

GLORIFY THY NAME - Fr. Edd B. Lleva -

NGAYON ang kapistahan ng Banal na Mag-anak, Holy Family. Ito ang pagdiriwang ng isang pamilya o angkang Kristiyano. Ang pagsilang kay Hesus ay kaarawan din ng isang tahanan na nagpapatibay sa pag-iibigan ng magulang at anak.

Ito ang “Family Reunion”, isang pagsasakatuparan ng ating pananampalataya at pagbati sa pamilya ni Hesus. Ang pagtawag natin sa Kanila ay isang wagas na panala-ngin at paghingi ng biyaya kina Hesus, Maria at Jose. At kadalasan sa ating mabilis na panalangin ay sinasabi natin: Susmaryosep po!

Ang ating pagbabatian ngayong Pasko ay isang pagpapatunay ng ating paggalang sa ating kapwa lalung-lalo na sa ating magulang. Gumagalang sa magulang ang isang may takot sa Diyos. Ito ang pahayon sa atin ni Sirac na: “ang gumagalang sa kanyang ama’y nagbabayad na sa kanyang kasalanan, at ang nagpaparangal sa kanyang ina’y parang nag-iimpok ng kayamanan”. Ang tunay na pagdiriwang ngayong Pasko ay ang pagpapatawaran at pagpapaumanhinan. Sa sulat ni Pablo sa mga taga Colosas ay dito natin mamamalas ang tunay na pamumuhay ng mag-anak na Kristiyano.

Sa ating mga Pilipino ito ang panahon ng pagba-balikbayan. Makalipas ang maraming buwan at taon ay pinagsisikapan nating makauwi, magbakasyon at sama-samang mapagbuklod ang pamilya at pagpapatibay ng isang taha­nan. Ito rin ang pagsasabi sa atin ng Anghel tulad ng sinabi niya kay Jose: “magbangon ka … dalhin mo ang mag-ina”.

Ito ang bukod-tangi sa ating mga Pilipino ang sa kabila

 ng kahirapan at maraming suliranin ay hinahangad na-ting magkaisa lalung-lalo na tuwing Pasko. Kayong mga taga-subaybay nitong aking lingguhang column ay humihingi sa inyo na sama-sama nating panalangin para sa lahat ng mag-anak upang pagkaroon tayong lahat ng kapayapaan. Ipanalangin din natin ang kapwa Pilipino na hindi makauwi ngayong Kapaskuhan na ang Sagrada Familia sina Hesus, Maria at Jose ay magbigay sa kanila ng aliw at mara-ming biyaya upang dumating din ang panahon na sila’y muling magkasama-sama. Susmaryosep, ipanalangin mo kami!

Binabati ko ng Maliga-yang Pasko at Manigong Bagong si Don Ado Escudero ng Villa Escudero, Tiaong, Quezon.

Sirac 3:3-7, 14-17a; Salmo 127; Colosas 3:12-21 at Mt 2:13-15, 19-23.

ATING

COLOSAS

DON ADO ESCUDERO

FAMILY REUNION

HESUS

HOLY FAMILY

ISANG

PASKO

PILIPINO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with