ANG turing ko sa aking sarili ay isang taal na anak ng Luzviminda (Luzon, Visaya at Mindanao). Paano kasi, ako’y ipinanganak sa Mambusao, Capiz sa Visayas, pero isang taong gulang pa lamang ako nang lumipat na kami sa Mindanao, una sa Compostela Valley sa Davao Province, tapos lumipat kami sa Butuan City, Agusan del Norte, kung saan ako ay nagtapos ng high school.
After high school, ako’y nag-aral sa Luzon, una sa University of Santo Tomas (UST) for my pre-law at sa San Beda College for my law. Nang agarang pumasa sa bar exams ako ay pumasok sa Department of Labor and Employment (DOLE) bilang Hearing Officer hanggang ako ay naging Executive Labor Arbiter at Regional Director at na-assign sa Bacolod, Cagayan de Oro, Cebu, Surigao, at Butuan.
Later on, ako ay naging Labor Attache, Ambassador at Chairman ng National Labor Relations Commission (NLRC). Noong 1976 nakapag-asawa ako ng isang mayumi at magandang si Minnie Maano na taga-Quezon Province at mula noon ay nanirahan na kami kasama ang aming anim na anak dito sa Luzon, sa Las Piñas to be exact, pero regular na bumibisita pa rin kaming buong pamilya sa Capiz, Butuan, Compostela at Lucena.
Kaya talagang ikinatutuwa ko na ako’y isang tunay na Luzvimindanaon. Happy holidays sa ating lahat habang idinadaos natin ang kaarawan ng ating mahal na HesuKristo ang may likha ng Luzviminda at ng buong Sansinukob. God bless you all mga kasimanwa, kaigsuonan at mga kababayan. Assalamu aleikum sa mga kapatid na Muslim.
* * *
Email: royseneres@yahoo.com / Text: 09163490402.