^

PSN Opinyon

Patuloy na hamon sa isang herbalist

BAHALA SI TULFO - Ben Tulfo -

TAONG 2010, sinimulan ng BITAG ang isang kakaibang imbestigasyon hinggil sa isang herbal food supplement.

Ito ay dahil sa hamon ng isang herbalista na si Rey Herrera na sa loob ng 90 araw na pag-inom ng King’s herbal hindi na magpapaputol ng mga sugatang paa ang isang pasyenteng may malala nang diabetes. 

Nilahukan ito ng mga Pilipino sa buong bansa na may diabetes ,at pinayuhan na ng kanilang mga doktor na sumailalim sa “amputation” o pagpuputol ng paa dahil sa malalang sugat ng mga ito.

Ang mga pasyenteng tumugon sa imbestigasyong ito ay mula sa iba’t ibang lugar sa Metro Manila at iba pang karatig probinsya.

Sa loob ng 90 araw, binigyan ng libreng supply ng REH herbal food supplement ang mga pasyenteng lumahok.

Dinodokumento ng BITAG  ang anumang progreso sa sugat ng mga pasyente  tuwing ika-tatlumpo, animnapu       at siyamnapung araw ng pag-inom ng REH herbal. 

Mula mismo sa mga pasyenteng lumahok, magbibigay sila ng testimonya sa kung anong pagbabago ang kanilang naramdaman tuwing ika-30 araw.

Bawat pasyente, pumirma sa isang waiver o kasunduan para sa mga panuntunan ng imbestigasyong ito. 

Sa kabuuan para sa taong 2010, tatlumpo’t dalawang pasyente na ang lumahok sa case study o 90 day trial ng bitag para sa REH herbal food supplement.

Labing-isang pasyente lahat-lahat ang matagum-pay na nakatapos ng 90 araw at nagkaroon ng magandang resulta sa kanilang kalusugan.

Labing-apat naman ang hindi pinalad na matapos ang imbestigasyong ito dahil sa anumang kadahilanan nawalan na ng ko­munikasyon sa BITAG ang mga pasyenteng ito.

May mga napatuna­yang may nilabag sa mga pata-karang nakasaad sa waiver na kanilang pi­nir­­­mahan at may ilan namang nagdesisyong umatras at pinili na lamang na magpaputol ng paa.

Tatlong pasyente naman ang hindi rin nakatapos ng 90 araw dahil sa kanilang hindi inaasahang pagpanaw.

Sa kasalukuyan, mayroon na lamang pitong ka­lahok pa ang sumasailalim pa rin sa 90 day trial ng REH herbal food supplement..

Layunin ng BITAG na tugunin ang hamon ng her­­balistang si Ka Rey Herrera na ipakita ang bisa ng kanyang herbal na ang magpapatunay mismo ay ang mga pas-yenteng sumali sa imbes­tigasyong ito.

Patuloy pa rin ang pag-oobserba at pag-iimbestiga na ginagawa ng BITAG sa mga pas-yenteng lumahok sa imbestigasyong ito.

Anumang pagba­ba­gong magaganap sa mga kasong ito na kasalukuyan pang inoobserbahan ay ating aabangan hanggang sa susunod na taon.

Paulit-ulit na pina­paalala ng BITAG na ang food supplement na ito ay hindi gamot na maaring gamitin na alternatibo na panlunas sa mga karamdaman.

BITAG

HERBAL

KA REY HERRERA

LABING

METRO MANILA

REY HERRERA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with