^

PSN Opinyon

Panukala para sa menor-de-edad

ORA MISMO - Butch M. Quejada -

PABATA nang pabata at lalong nagiging mahusay o mautak ang mga kriminal ngayon sa Philippines my Philippines.

Kaya naman itinulak ni Iloilo City Representative Jerry P.Trenas ang agaran nang pagrepaso sa umiiral na Juvenile Justice and Welfare Act of 2006 upang mapigilan ang mga masasamang elemento sa lipunan na gamitin ang mga bata sa ilegal na aktibidad.

Inihain ni Trenas ang panukalang batas na layong dagdagan ang proteksyon sa mga bata laban sa mga organisadong gawaing kriminal.

Salig sa Juvenile Justice and Welfare Act of 2006 (R.A. 9344), ang mga may edad na 15 taon at pababa ay ligtas sa pananagutang kriminal.

Kaya sa House Bill 3815 ni Trenas, dapat na ring magkaroon ng criminal liability ang menor-de-edad na umanib sa gang or organisasyong nasasangkot sa mga aktibidad na labag sa batas

Papatawan din ng parusa hindi lamang ang nasa likod ng pagpasok ng mga menor-de-edad sa ilegal na gawain kundi maging ang mga magulang o tagapangalaga ng bata na kumukunsinti rito.

Kuwento ni Trenas sa mga kuwago ng ORA MISMO, na karaniwang nahihikayat ang mga bata para sumapi sa tinatawag na criminal juvenile organizations sa pagkukunwaring fraternity group ang sinalihan ng mga ito.

Ano sa palagay ninyo mga kosa?

Abangan.

Si Alfonso Cusi ng CAAP

NAGHAIN para tsibugin este mali ng irrevocable re­signation pala si Civil Aviation Authority of the Philippines Director General Alfonso Cusi kay P.Noy sa hindi malaman dahilan porke biglaan itong ibinigay.

Sabi nga, effective ang pagbibitiw sa Dec. 31, 2010.

Ayon sa ipinadalang resignation letter ni Cusi Kay Aquino nagpapasalamat ito at nabigyan siya ng pagkakataon na maka-trabaho sa administrasyon ng huli dahil kilalang malapit na ayudante ni ex- Prez Gloria Macapagal Arroyo si Al.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, malalim ang dahilan kung bakit nagbigay ng irrevocable resignation si Al kay P. Noy.

Ika nga, hindi biro!

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, matindi ang sindikato sa CAAP na binuwag ni Cusi malaliman ang operasyon dito lalo na sa mga infrastructure project at pagbibigay ng mga flying license sa mga piloting nagbayad lang ng malaking halaga para lamang maging ‘proffessional pilot.’

Sangdamukal na mga bugok na official sa iba’t-ibang offices ng CAAP sa Philippines my Philippines ang tadtad ng mga kaso sa Office of the

Ombudsman.

Kahit ang Office of the Ombudsman sa NAIA ay may tangan ng hindi birong mga kaso sa mga taga- CAAP.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, hindi birong salapi ang pinaguusapan sa CAAP lalo’t yong mga malalaking proyekto dahil million of dollars ang usapan dito kaya naman maraming mga kamote ang nasisilaw hindi lang taga-CAAP kundi mga pulitikong bugok at ang mga bugok dyan sa malakanin este mali Malacañang pala.

Naku ha!

Totoo kaya ito?

Kamakailan lamang ay sangdamakmak ang kinasuhan ni Cusi na nagsabwatan para makakuha ng mga lisensiya ang mga foreign student na nag-aaral sa Philippines my Philippines kasi nga maraming fly by night flying school ang pinabuwag si Cusi noon para matigil na ang mga kalokohan ng mga gagong ganid sa salapi.

Malalagay sa peligro ang buhay ng mga pasaherong.

Bakit?

Dahil hindi kumpleto ang flying time ng mga kamote at binili lamang.

AYON

CIVIL AVIATION AUTHORITY OF THE PHILIPPINES DIRECTOR GENERAL ALFONSO CUSI

CUSI

CUSI KAY AQUINO

JUVENILE JUSTICE AND WELFARE ACT

LEFT

TRENAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with