^

PSN Opinyon

Nabulag kaming lahat

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas -

Dapat paimbestigahan ni NCRPO Chief Dir. Nicanor Bartolome ang alingasngas ukol sa pagkakarekuber sa 2 kilo ng shabu ng Marikina City police kamakailan. Katunayan, kabilang po ang inyong lingkod sa rumisponde sa na-unsyaming buy-bust operation kono sa kahabaan ng Old J.P.Rizal Avenue, Barangay Nangka kasama ang mga taga radyo at television. Sa ulat kasi ni Sr. Supt. Romeo Magsalos, ang hepe ng pulisya, 2 kilong shabu lang ang nakumpiska nila at ang me tangan nito na 2 Chinese ay nakatakas sakay ang itim na DMax. Subalit ang usap-usapan sa hanay ng local na pulisya sa ngayon, hindi lang pala 2 kilo na shabu ang narekober kundi 20 kilo. At ang DMax ay nakikita doon sa gilid ng police headquarters. Mukhang nabulag kaming lahat ng gabing iyon ah! Nasaan kaya ang dalawang Chinese? Ang balitang kumakalat sa Marikina City, hindi sila nakatakas kundi pinakawalan kapalit ng kumikinang na salapi. Kaya pala bago ang sasakyan sa ngayon ni Col. Magsalos, di ba mga suki? Kaya dapat arukin ni Bartolome kung ano ba talaga ang totoo dito sa kaso ng mga Chinese para na rin mabigyan ng pagkakataon itong si Magsalos na idepensa ang sarili niya. Itong Marikina City Police kasi ay apat na magkasunod na naging Best Police Station ng NCRPO at ang ganitong kuro-kuro ay maaring makapagdulot ng negatibong imahe hindi lang ke Magsalos kundi maging sa city government ni Mayor Del de Guzman.

Kung sabagay, tumataas na rin ang bilang ng kriminalidad sa Marikina City na kung hindi pa kumilos itong sina de Guzman at Magsalos ay baka mawala ang tiwala ng sambayanan sa kanila. Sinabi ni Konsehal Elmer Nepomuceno na ang tumataas na bilang ng krimen sa siyudad ang naging isa sa mainit na dis­kusyon ng mga konsehal sa nakaraang sesyon nila. Ayon kay Nepomuceno, lumalala na rin ang prostitusyon sa kanilang lugar at ang mga babaeng sangkot ay mga menor-de-edad. Kung ang singil noon ay P200, sa ngayon P300 na dahil ang P100 ay napupunta sa pulis na protector nila, ani Nepomuceno. Hindi lang ‘yan. Me isang 9-year-old na batang babae na pinatay din kamakailan ng isang adik sa Barangay Parang na malapit sa chapel ng Iglesia ni Kristo. Nagtataka si Nepomuceno kung bakit naka-news blackout ang mga kasong ito. Itinatago ni Magsalos ang mga kaso sa media?

Ang minutes ng miting ng konseho ay naiparating na ke Mayor de Guzman at Magsalos para aksiyunan nila. Pero sa tingin ni Nepomuceno, hindi naman gumagalaw ang lokal na pulisya dahil sa kakulangan ng suporta ni Magsalos. Tira-pasok pala itong si Magsalos at kapag naisubo na sa bulsa ang pitsa eh hindi na makalabas, ‘yan ang puna ng mga tauhan nya. Kaya goodbye na lang sa record na limang magkasunod na Best Police Station ng Marikina City police kapag hindi pa magbago itong si Magsalos na nangangarap ding maging hepe ng Rizal Police Provincial Office (RPPO).

Abangan!

BARANGAY NANGKA

BARANGAY PARANG

BEST POLICE STATION

GUZMAN

KAYA

MAGSALOS

MARIKINA CITY

NEPOMUCENO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with