Lapulapu St., Malabon

Sino kayang kamote ang nagbigay ng basbas para magbenta ng mga gasolina sa center island ang ilang people sa nasabing lugar.

Ang gasolina ay inilalagay ng mga vendor sa bote ng family size na soft drinks at nakatirik sa center island ng Lapulapu St.,  kung sino ang bibili ng kanilang product.

Paging, Mayor Oreta, delikado sa kalusugan ng mga nagbebenta ang gasolina at fire hazard pa ito porke ang mga bote ng gasoline ay nakabilad sa initan.

Eh, kung sumabog at may masabugan hindi ba laking perwisyo.

Ano ba, Mayor Oreta ?

Bakit hindi ito sinisita o pinaalis ng mga tulisan este mali kapulisan pala ?

Ano ang ginagawa ng barangay?

Aba, mag-isip - isip kayo hindi biro ang binebenta nila.

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, nakasakay pa daw sa Mitsubishi Pajero ang owner ng mga inilalakong gasolina na kumukuha ng engreso regarding sa mga naibenta ng mga pobreng alindahaw.

Mura as in mura ng kaunti ang presyo ng gasolina na ibinebenta sa Lapulapu St.

Saan kaya ito kinukuha ?

Kung mura ang benta nito tiyak may alingasngas na nangyari.

Abangan.

Si Senator Loren Legarda umaalingawngaw daw ang pangalan ni Senator Loren Legarda sa Malabon dahil matunog na matunog ngayon ito sa madlang people dyan sa nasabing place.

Bakit ?

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, mukhang pinaguusapan si Loren na tatakbong Mayor o Kinatawan sa Kamara dyan sa Malabon sa year 2013.

Naku ha !

Totoo kaya ito ?

May mga residente todits na gusto ng mabago ang takbuhan ng pulitika sa Malabon.

Mukhang magandang laban ito kapag nagkataon.

Ika nga, Loren o Oreta.

Abangan.

Jueteng sa Southern Metro pormado na ang jueteng operation nina Allan ‘pakuwela, isang Boy Quijano at Kevin Uy dahil naglatag na rin sila sa Makati City matapos magbukas last Monday sa Taguig at Pateros.

Sabi nga, tiba-tiba ulit sila !

Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, naglagay din ng laylayan sina Allan pakuwela, isang Kevin Uy at isang Boy Quijano sa Paranaque City.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, hindi sila makaporma sa Muntinlupa City dahil sa laki ng intelihensiya na asking ng erpat ni St. Peter.

P2 million ang goodwill money na hinihingin.

Naku alam kaya ito ni Mayor Aldrin San Pedro?

Your Honor, pakikalkal mo ito.

Sabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ang jueteng operation sa southern Metro-Manila ay ipu-full blast pagkatapos ng pasko.

Abangan.

Show comments