'Paano po inaalis ang warts?'

Dr. Elicaño magandang araw at Merry Christmas.

Gusto ko pong itanong kung paano ang ginagawa para maalis ang warts. Nakakahiya pong sabihin pero mayroon akong warts sa may malapit sa aking boobs at sa aking leeg. Para pong hugis kuntil na maliliit ang warts at napakasakit kapag aking sinasalat. Tina-try ko pong alisin sa pamamagitan ng pagkurot o pag-alis sa pamamagitan ng nail cutter subalit masakit po. Nag-aalala ako na maimpeksiyon kapag tinanggal ko sa maling pamamaraan. Paano ba nagkakaron ng ganitong warts?

— MARIE JANE CASTRO, Gen. Luis St. Novaliches, Quezon City

 

Merry Christmas, Marie Jane.

Ang warts ay tumutubo sa balat. Virus ang dahilan nito. Mabilis itong kumalat at nagpapalipat-lipat sa kung sinu-sinong tao.

May tatlong uri ng warts: Plantar na tumutubo sa mga paa; Juvenile na sa mga bata tumutubo; Venerial na tumutubo sa genitals.

Kusang nawawala ang warts pero mayroong inaabot ng taon bago ito mawala, Kapag napansin na may warts, isangguni ito sa doctor. Mayroong warts na hindi naman dapat ikabahala sapagkat kusang nawawala.

Hindi dapat mag-self medication sa warts at baka maimpeksiyon. Kailangang isangguni sa doctor para maisagawa ang treatment dito.

Ang treatment sa warts ay kinabibilangan ng pag-coat dito ng chemical solutions, removal sa pamamagitan ng cryosurgery (freezing), laser beam at electrocautery o pagsunog ng electrically heated wire or needle.

Show comments