^

PSN Opinyon

Asintado ka ba?

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas -

KUNG asintado ka, nais naming subukan ang iyong galing sa loob ng Firing Range ng Manila Police District Traffic Bureau (MPD-TRABU) sa Atlanta St., Port Area, Manila ngayon araw na ito. Dito namin masusukat kung gaano ka ka-responsible sa paghawak ng baril, dahil dito hindi lamang porke marunong kang humawak at pumutok ng baril eh papasa ka na sa kalidad ng aming mga beteranong Range Master na si retire Major Willie Villacorta, at C.R.O. Rico Sunga.

Ito ang kauna-unahang proyekto ng Manila Police District Press Corps (MPDPC) sa ilalim ng aking pamumuno na may temang “4 stage Fun Shoot” para makalikom ng pondo sa isasagawang medical mission sa January 30, 2011. Ito ay para sa ka-pamilya ng kapulisan sa MPD at mga mamamahayag. Kabalikat namin sa proyektong ito si Kuyang Daniel Razon ng UNTV na babalikat sa mga doctor at gamot. Ewan ko lang kung may full coverage ito sa himpilan ni Kuyang Razon. Joke lang.

Sagot naman nina MPD director Chief Supt. Roberto Rongavilla, DDA SSupt. Alejandro Gutierrez, DDO SSupt. Fidel Posadas at CDDS SSupt. Robert Po at syempre kay DHSSU Supt. Dominador Arevalo ang venue sa loob ng MPD headquarters sa United Nations Avenue, Ermita, Manila. Manggagaling naman kay Manila Mayor Alfredo Lim ang mga tent, upuan. lamesa at siyempre kasama na rito ang maliit na entablado na pagdadausan ng mumunting palabas at demontrasyon para sa mga kabataan at nagbabata-bataan mula sa staff ng mga taga-UNTV habang isinasagawa ang paggagamot.

Lagi naman kasing ka­balikat ko itong mga ma­gagaling nating opiyales ng MPD at si Mayor Lim dahil layunin ko at aking mga opisyales sa MPDPC ay maitaas ang moral ng aming hanay sa lipunan at makatulong sa kapwa. Kaya upang makalikom ng pondo ay dinadaan na lang namin sa mga project for cause nang sa gayon ay hindi lamang sa bakuran ng MPD at City Hall manggagaling ang tulong na nais naming makamit. Kaya laging nakasubaybay rito si NPC president Jerry Yap at AFIMA president Benny Antiporda sa aming proyekto at sa totoo lang lagi pa nga namin silang inuunang hingan ng tulong financial. Mabuhay kayo mga sir!  

Maging ang mga negosyanteng kaibigan natin sa China Town na sina Joseph Lim, George Ching at Tommy Chua ay hindi rin nagsasawa sa pagtulong sa aming organisasyon. Salamat po sa busilak ninyong puso at naway huwag kayong magsawa sa pagtulong sa MPDPC. At dahil sa papalapit na naman ang Pasko at Bagong Taon nagsagawa kami ng “4 stage fun shoot” itoy upang makatulong sa Philippine National Police na sa pagsapit ng mga araw na iyon ay masisigurong malinis na ang mga baril na pabubusalan ni PNP chief Raul Bacalso at NCRPO chief Nicanor Bartolome upang masigurong hindi nila ito gagamitin sa pagiging trigger happy.

Ang kompetisyong ito ay masusing denisenyo ni Benny Asis, NROI kung kaya marami ang hindi nakaaalam sa senaryong magaganap sa loob ng firing range. Ang matindi rito ay ang pagdalo ni Mayor Lim upang pangunahan ang seremonya at syempre para na rin silipin ang kalidad ng mga kapulisan ng MPD. At ang itatanghal na magaling sa lahat ng magaling ay pagkakalooban namin ng magarang tropeo na gawa ni Arthur Valdez. Kaya halina kayo sa TRABU ng masubukan ang inyong galing sa paghawak ng baril, talas ng mata’t isipan at siyempre bilis ng daliri sa pagkalabit ng gatilyo.

ALEJANDRO GUTIERREZ

ARTHUR VALDEZ

ATLANTA ST.

BAGONG TAON

BENNY ANTIPORDA

BENNY ASIS

KAYA

MAYOR LIM

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with