^

PSN Opinyon

DNA lang, matagal na sanang tapos!

K KA LANG? - Korina Sanchez -

DAHIL sa pag-acquit kay Hubert Webb, na ayon sa Korte Suprema ay maling ikinulong ng 15 taon kaugnay sa Vizconde Massacre, nalagay na naman ang NBI at PNP sa masamang imahe matapos ang kapalpakang naganap sa Quirino Grandstand noong Agosto 26! Doon, nakita ang kakulangan sa gamit at pagsasanay ng MPD-SWAT. Hindi na natin kailangan banggitin pa ang mga maling ginawa noong gabing iyon.

Ngayon, dahil sa pagpapalaya at pagwalang-sala kay Hubert at lima pa, nasisisi muli ang PNP, kasama ang NBI sa masama at mahinang pamamaraan ng pagkuha ng ebidensiya, at ang pagtago nito. Sa panahon ngayon ng SOCO at CSI, mahalaga ang DNA. Sa DNA, masasabi na kung ang isang tao ang nasa lugar nga ng krimen. O kung siya nga ang gumahasa sa babae. Ganito ang hiniling ni Hubert noon. Ipasailalim sa DNA testing ang semilyang nakuha kay Carmela Vizconde, para malaman kung sila nga ang gumahasa. Pero noong araw, medyo bago pa lang ang DNA sa Amerika kaya hindi nagawa ito dito.

At ang masama pa, noong may kakayahan na ang Pilipinas na mag-DNA testing, nawala naman ang semilyang sampol na hawak dapat ng NBI! Malamang sa isip ng Korte Suprema, ito ang nagsara ng kaso laban kina Hubert. Walang sampol, kaya hindi masasabi talaga kung sila nga ay nandun sa lugar ng krimen, at kung sino ang gumahasa! Napakadali sana kung may kagamitan, kung maayos ang pagtago ng mga ebidensiya. Sa mga aspetong ito, kulang na kulang ang NBI at ang PNP.

Kaya dapat gumastos na naman ang admi-nistrasyong ito para magsanay ng mga tunay na imbestigador. Ipadala sa Amerika para mahasa nang husto. Kung puwede, graduate ng isang magandang paaralan. Propesyonal ang da-ting. Isang magaling na imbestigador lang, ang dami na sigurong malulutas na kaso. Iyang mga nawawalang ebidensiya na iyan naku, hindi ako naniniwalang nawala lang ang mga iyan! Malamang winala na lang nang may kapalit! Kaya siguro, dapat mayaman na rin ang imbestigador na ito para hindi na nasisilaw sa pera, at may malasakit at hilig sa trabaho. Propesyonal na kaugalian lang talaga ang dapat meron ang isang imbestigador. Kung meron na niyan, magagandang gamit naman ang puhunan katulad   ng nakikita natin sa CSI!

At ang pinaka-mahalaga, marunong dapat ang lahat ng pulis ng pag-aalaga sa lugar ng krimen. Hindi dapat ginagalaw ang eksena hanggang na-proseso na ng imbestigador. Hinaharang dapat para hindi nalalakaran ng lahat! At walang ginagalaw na kagamitan. Kaya nakulong si Gerardo Biong dahil sinunog niya ang mga kumot at kubrekama ng mga Vizconde at pi­nakialaman pa ang ilang ebidensiya! Ilang ebidensiya ang nawala roon sigurado. Isipin na lang natin kung napa-DNA testing noon. Tapos na sana ang kalbaryo ng lahat, pati si Lauro Vizconde na hanggang ngayon ay naghahanap ng hustisya!

AMERIKA

CARMELA VIZCONDE

DAPAT

GERARDO BIONG

HUBERT

KAYA

KORTE SUPREMA

KUNG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with