^

PSN Opinyon

Umunlad ang Mandaluyong nang maupo si Abalos

-

KAILANGAN ni Macedonio Teston, 55, ang mga saklay para makalakad dahil naputol ang mga paa niya tatlong taon na ang nakaraan. Noong Lunes, nakalakad na siya dahil sa prosthetic leg na ibinigay sa kanya ni Mandaluyong City Mayor Benjamin “Benhur” Abalos Jr. Ang prosthetic leg ay gawa ng SGG Orthocare. Hindi lang si Teston ang masaya sa araw na ‘yaon kundi maging ang 10 nilalang pa na tumanggap ng tungkod at nagsasalitang mga relos mula kina Abalos at Konsehal Alex Sta. Maria. Ang city government ng Mandaluyong at ang DOTC ang nasa likod ng programa para tulungan ang mga kapuspalad nating kababayan sa pagdiriwang ng persons with disability sa buong mundo.

Hindi na nagugulat ang taga-Mandaluyong sa kasipagan ni Abalos. Bilyon na ang mga puhunan ng local at foreign investors ang pumasok sa kaban ng siyudad. At hindi humihinto si Abalos para lalong isulong ang pagi-ging Tiger City ng siyudad.

At para lalong ganahan ang mga investors na pasukin ang siyudad niya, magkakaroon ng radio frequency ang Mandaluyong para lalong maging malakas ang relasyon ng city govt., mga barangay, private sector at pulisya para mamonitor ang mga insidente sa trapik o kriminalidad sa siyudad. Ito ang ipinangako ni Abalos sa mga botante niya sa Security Summit na ginanap sa Kaban ng Hiyas sa Maysilo Circle. Sa naturang summit tinuruan ang lahat ng nandoon, lalo na ang mga barangay tanod, kung paano makilala ang iba’t ibang klase ng bomba, kung paano matantiya ang mga terorista, at ang mga gumagamit o nalulong sa droga sa kanilang mga komunidad.

Ang radio frequency ay gagamitin para ang mga security guards at bara-ngay tanod ay mabilis ng makapag-report hindi lang ng krimen kundi maging ang mga taong hindi kanais-nais sa kanilang lugar.

Kaya’t hinikayat ni Abalos ang mga grupo at mga residente na me two-way radio na magrehistro sa kanilang radio frequency para sila ay mabig­yan ng code o password. Isa itong paraan para ang city govt. at ang pulisya ay mabilis na makipag-coordinate sa mga institution o komunidad para mapangalagaan ang ka­nilang lugar laban sa kriminalidad o mga sunog.

Alam ni Abalos na ka­pag me insidente sa kanyang siyudad, tatawag ka sa pulisya sa pamamagi-tan ng telepono o cell phone na mabagal bago makapag-kontak.

Subalit kung two-way radio ang gamit, aba mabilis ang kontak lalo na ang pagresponde ng pulisya o mga ahensiya ng gobyerno.

ABALOS

ABALOS JR. ANG

KONSEHAL ALEX STA

MACEDONIO TESTON

MANDALUYONG

MANDALUYONG CITY MAYOR BENJAMIN

MAYSILO CIRCLE

NOONG LUNES

PARA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with