^

PSN Opinyon

Bangkang Pilipinas lumulubog: Lisanin

SAPOL - Jarius Bondoc -

ISA na namang pandaigdigang pag-aaral ang nagsasabing sa gobyerno at pribadong sektor ng Pilipinas pinaka-talamak ang katiwalian ayon sa mismong mamamayan. Dagdag ito sa marami nang survey sa mga dayuhang negosyante sa Pilipinas na nagsasabing pinaka-malala ang katiwalian at kalidad ng buhay sa Pilipinas. Dagdag din ito sa iniulat kong pagsusuri ng Foreign Policy Center na ika-51 sa 60 bansang lubog o lumulubog ang Pilipinas.

Meron din artikulong lumabas kamakailan tungkol sa mga migrante sa Australia. Tinuturing silang matatalino sa desisyong lisanin ang kani-kanilang mga bansang bulok at nabubulok. Hindi raw kataksilan o kaduwagan o pag-iwas sa problema ang pag-alsa-balutan nila patungong Australia, ayon sa may-akda. ‘Yun daw ang tanging paraan para pabagsakin ang mapang-api na sistema. Kapag bumagsak na ay saka daw sila umuwi para magtayo ng bagong kaayusan.

Batay umano sa kasaysayan, bihi-bihira naaayos ng rebolusyon ang nabubulok na sistema. Kadalasan daw ay napapadami pa ng dahas ang mga sumusuporta sa mapang-aping rehimen. Mas mabuti raw na layasan ito ng mga intelektuwal, propesyonal, at negosyante. Sa gan’un, ang halimaw na sistema na sumisipsip sa dugo nila ay mawawalan ng sustansiya. Manlulupaypay ito at babagsak sa sariling bigat.

Kung i-apply sa Pilipinas, hindi na marereporma ang bulok na sistemang dayaan sa eleksiyon, pork barrel, at political dynasty. Patuloy na ihahalal ang mga celebrity at traditional politician, na magbubulsa ng yaman ng bayan. Ang sagot daw dapat sa kanila ay mag-ibang-bayan lahat ng mga may pinag-aralan: Enhinyero, siyentipiko, doktor, nurse, manager, merchant marine, atbp. Maiiwan ang mga walang-isip na tagapagtaguyod ng mga celebrity at “trapo”, na hindi naman kayang pakainin ng mga politikong humuhuthot sa middle class. E ngayon nga mga overseas workers ang sumusustento sa bulok na ekonomiya natin.

BATAY

DAGDAG

ENHINYERO

FOREIGN POLICY CENTER

KADALASAN

KAPAG

MAIIWAN

MANLULUPAYPAY

PILIPINAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with