^

PSN Opinyon

'Maamoy na usapan'

- Tony Calvento -

MAS gugustuhin mo pang makatanggap ka ng pisikal na pana­nakit kesa ang sakit ng dulot ng mga masasakit na salita.

“Princess!? Prinsesa ng mga nakakadiri. Mabaho ang p*k3 kaya iniwan. Mabaho na madali pang matuyo. Wahahaha!...” mga nakakainsultong ‘text messages’ na natangap ng isang ginang.

Mabaho ang ari, isang puta at matandang malibog na madaling matuyuan. Ito umano ang mga panlalait na tumatak sa isip ng complainant na nagsadya sa amin. Siya si Princess “Cess” Vacarizas, 34-anyos ng Diliman, Quezon City.

Hinala ni Princess, galing ang mga text sa umano’y bagong babae ng kanyang dating kinakasama na si Ronnie ‘Rani’ Bolis.

 Under graduate si Cess sa kursong Communication Arts major in Journalism sa Baguio Colleges. Isang semester na lang graduate na sana siya subalit dahil sa problema sa pera kinailangan niyang lumuwas ng Maynila. Nagtrabaho siya bilang ‘call center agent’.

Taong 2006, habang siya’y duty, nakatanggap siya ng text mula sa hindi kilalang numero. “Hi, pwede bang makipagkilala sa’yo? I’m Rani, 17-years old, male”, laman ng text. “Hu u? I’m busy Sorry!” reply ni Cess.

Simula nun nangulit na itong lalaki sa kanya. Hindi niya ito pinapansin subalit panay ang padala nito ng mga ‘love quotes’ na para sa mga bigo. Sinakyan ito ni Cess sa puntong parang pinaglalaruan na niya itong si Rani.

“Wala namang masama. Ginawa ko lang parang pampalipas oras. Hindi ko naman nilagyan ng malisya ang ginagawa namin,” sabi ni Cess.

Naikwento niya sa kapitbahay na si ‘Me Ann’ na may ka-text siya. Sinabi ni Me Ann na baka ito yung pinagbigyan niya ng numero. Ang katrabaho ng asawa niya si Bugoy sa konstraksyon. Binata raw itong ‘foreman’ at naghahanap ng maliligawan. ‘Single’ nun si Cess kaya’t number niya ang binigay.

Pebrero 2007, Nagkita (eyeball) ang dalawa. Bumisita si Rani kina Bugoy.

Hindi naman 17-anyos si Rani at ang totoo’y 34 taong gulang na ito, maputi siya, gwapo’t misteryoso. Mga katangiang nagustuhan ni Cess. Nung una’y nagkakailangan ang dalawa. Bihira kasi magsalita ang binata.

Nasundan ng ‘date’ ang pagkikita nila. Sa pagkakataong ito mas naging agresibo na itong si Rani. Mabilis niyang hinawakan ang kamay ni Cess at hindi nag-aksaya ng panahon na halikan siya sa labi.

Makalipas ang ilang buwan, nag-board si Cess sa Kanlaun, Shaw malapit sa kanyang pinagtatrabahuhan sa Makati. Naging madalas ang pagkikita ng dalawa hanggang tuwing ‘weekends’ sinasama na siya ni Rani sa probinsya sa Pampanga.

Nagulat siya nang ipakilala sa kanya ang apat na bata, mga anak ni Rani. Tinanong niya agad si Rani kung nasaan ang ina ng mga ito. Sagot nito, matagal na silang hiwalay. Tinanggap ni Cess ang pagiging ama ni Rani, binigay pa rin niya ang kanyang sarili. Unang gabi pa lang nila sa Pampanga nagtalik na sila.

Oktubre, nagdesisyon silang magsama. Umupa sila sa West Ave, QC malapit sa construction site ni Rani. Naramdaman ni Cess ang bigat ng responsibilidad ng pagiging batang may-bahay. Bumalik siya sa boarding house.

Dalawang buwan ang nagdaan, nalaman niyang siya’y buntis. Binalita niya ito kay Rani subalit naramdaman niyang umiiwas itong panagutan ang bata.

“Diniresto ko siyang tanungin kung mahal niya ko? Nagulat ako nang sagutin niya ko ng pabulong na ‘Hindi ko alam?’,” kwento ni Cess. Naisip niyang sa Pampanga na manganak para mapalapit ang loob sa pamilya ni Rani.

“Pagkapanganak mo wala na tayo! Tapos na tayo!” sabi umano ni Rani.

Ika-3 ng Hulyo 2008, ipinanganak niya ng isang batang lalaki. Sinamahan siya ng mga magulang ni Rani. Minasama ito ng asawa, “T@n6 i#@, pinagod mo pa ang magulang ko sa panganganak mo!” umano’y sabi nito.

Napadalas ang paglalasing ng mister. Hinala niya may babae ito. Kinumpronta niya si Rani. “OO meron na kong iba. Kaya umalis-alis ka na rito! T@#g i#@...Pwede ba?”, sagot umano sa kanya,

Nakipagmatigasan si Cess. Nanatili siya sa bahay. Pagmamaltrato lang umano ang kanyang inabot.

“Pinagsasapak niya ko, tinadyakan, kinakalmot, sinasabunutan, sinasakal. Tinutok pa niya sa aking leeg ang isang itak na may matalas na talim, ” kwento ni Cess.

Natakot na si Cess at naisip niya kapag hindi siya umalis mamatay siya. Tumira sila sa kanyang magulang sa Maynila. Nagkaroon ng pneumonia ang kanilang anak. Nagpabalik-balik ito sa ospital. Hiningian niya ng tulong si Rani subalit parati umanong sagot nito,“Pagdadasal ko na lang ang anak mo!”.

Dahil dito nagsampa ng kasong petition for support si Cess subalit hanggang ngayon, wala pa rin umanong nangyayari sa kaso. Nitong Marso nga nakatanggap ng mga umano’y bastos na text itong si Cess.

“Kaya pala iniwan ka. Kasi di mo alam maghugas ng p*43 mo. Tapos gusto mo ipakain ang p*43 mo sa asawa mo? Nakakadiri ka! Matandang ulyanin… Madalas kang matuyuan. Aray ang sakit! jejeje. mga umano’y text na lumapastangan sa kanyang pagkatao.

Kaugnay ng mga text na ito, naisipan nang lumapit ni Cess sa aming tanggapan.

Itinampok namin ang istorya ni Cess sa aming programa sa radyo, Hustisya Para Sa Lahat sa DWIZ 882 Khz (tuwing 3:00 ng hapon). 

Pinayuhan namin si Cess na alamin kung kanino galing ang text nang sa ganun makapag-‘file’ siya ng kasong ‘slander’ o grave defamation of character.

SA AMIN DITO SA CALVENTO FILES, madalas na kami makatanggap ng ganitong uri ng reklamo. Mga ‘battered wives’, mga inabandong anak. Matapos dumaan sa isang mahaba at nakakapagod na proseso ng pagsampa ng kaso tulad ng violation of R.A 9262 o Violence Against Women and Children hindi pa nag-iinit ang ‘subpoena’ sa kanilang mga kamay. Mahimas lang sila ng kanilang mga asawa, inuurong na nila ang demanda. Lambingin lamang sila ng mga mismong mister na nagdulot sa kanila ng sari-saring pasakit agad nilang kinakalimutan ang lahat at pinapatawad ito.

Nais rin naman naming linawin na hindi naman namin layon o ikatutuwa na makulong ang mga taong katulad ni Rani. Gusto namin ipaglaban ang mga karapatan ng mga babae at ang mga walang malay na anak na tunay na biktima sa ganitong uri ng paghihiwalay. Hayaan natin ang ating Korte na gumawa ng legal na desisyon/kasunduan upang matakot din naman itong mga walang kwentang umbagerong mister na hindi tuparin ang utos ng hukom.

(KINALAP NI MONIQUE CRISTOBAL)

 Sa gustong dumulog ang aming numero, 09213263166 o sa 09198972854. Ang landline ay 6387285 at 24/7 PLDT hotline 7104038. Maari din kayo magpunta sa 5th floor CityState Center bldg., Shaw Blvd., Pasig City mula Lunes-Sabado.

* * *

Email: [email protected]

CESS

LSQUO

MABAHO

NIYA

RANI

SIYA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with