^

PSN Opinyon

Wala pong personalan

REPORT CARD - Ernesto P. Maceda Jr. -

“I may not agree with what you say but I will defend to the death your right to say it.” Hindi man ako sang-ayon sa iyong binigkas, ipaglalaban ko pa rin ng patayan ang karapatan mong bigkasin. Ang kasabihang ito ay karaniwan nang napapakinggan sa usaping kalayaan sa pananalita o freedom of speech. Ito na rin ang madalas gamiting panghimasmas sa mga taong pinipersonal ang mga salita o kasulatan na hindi nila sinasang-ayunan. Ang binigkas ang kuwestiyunin, hindi ang bumigkas.

Hindi yata ito naalala ni Justice Secretary Leila de Lima nang paratangan niyang may kulay ng pulitika ang pagbasura ng Mataas na Hukuman sa Philippine Truth Commission. Bilang isa sa pinakamataas na opisyal ng ating criminal justice system na hawak ang kamay ng Supreme Court para pangatawanan ang isang malaya at walang kinikilingang Hudikatura, ang Secretary of Justice ang huling aasahan na magdududa sa motibasyon ng mga Mahistrado. Kapag ang opisyal, tulad din ng karaniwang mamamayan, ay may personal na pagtutol sa isang pagpasya ng Hukuman, malaya itong ipahayag ang damdamin sa pamamagitan ng pakikilahok sa proseso at pagsampa ng kaukulang dokumentong naglalaman ng kanyang opinyon. Lalo na ang isang abogado tulad ni Sec. na itinuturing ding opisyal ng legal profession. Hiling din ito ng delikadesa. Hindi maganda na, imbes na argumento ang puntiryahin, pagkatao ang birahin.

Hindi inililihim ni De Lima ang kanyang ambisyon na maging Senador ng Bayan. Malaking puntos dito ang imahe niya bilang a-tapang a-tao na walang sinasanto. Maari ngang makadagdag sa pagpalaki ng kanyang alamat subalit sa sitwasyong ito, isa na ako sa magsasabing sa paglutang ng kanyang barko, lahat naman tayo’y nalulunod sa nagresultang alon.

Alalahanin din sana ni Sec. na ang kanyang akusasyon ay medyo mahirap pangatawanan. Sa limang nag-dissent na Mahistrado, apat din ang appointee ni Gng. Arroyo. Ano ngayon ang ba­tayan ng akusasyong pagkiling dahil sa pulitika? At nakalimutan na ba na si Sec. De Lima din ay hindi nagkaproblemang tumanggap ng appointment kay GMA kahit pa isinusuka na ng lipunan at ng Hyatt 10 ang kanyang pamahalaan?

Sana’y sa solusyon na lang magkaisa. O kung may malilintikan, bakit hindi na lang ang mga may akda na malinaw nagkulang sa paghanda? May paraan pa naman. Gaya ng sabi ng desisyon, baguhin lang ang pag­kasulat ng Executive Order, papasa na ito sa sukatan.

vuukle comment

ALALAHANIN

DE LIMA

EXECUTIVE ORDER

HUKUMAN

JUSTICE SECRETARY LEILA

MAHISTRADO

PHILIPPINE TRUTH COMMISSION

SECRETARY OF JUSTICE

SUPREME COURT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with