^

PSN Opinyon

5 tip para yumaman at magtagumpay

SAPOL - Jarius Bondoc -

$45 BILYON ang halaga ni Warren Buffett. Lumago ang yaman niya di lang sa talas sa negosyo; napaka-tipid din niya. Nakatira pa rin siya sa bahay sa Nebraska na nabili niya nu’ng 1958 ng $31,500 (P63,000 noon). Tularan ang pagtitipid niya, at maaari kang magkalabis na pera.

Una ‘yan, pamumuhay nang mas mura kaysa kaya, sa “5 Sikreto sa Pagyaman at Tagumpay,” nina Peter Gorenstein at Farnoosh Torabi.

Ikalawa, rumebanse mula sa pagkatalo. Karamihan ng mayaman at matagumpay ay naigpawan ang mga balakid sa pag-angat. Sinibak si Steve Jobs sa edad-30 mula sa itinatag na Apple. Nagtatag siya ng ibang kumpanya, Pixar, pinalago hanggang kunin siya muli ng Apple bilang chairman. Inalis si Michael Jordan mula sa high school basketball team, pero nagsikap na mas gumaling sa laro.

Ikatlo, isulong ang sarili. Ano mang linya, malaki ang pahalaga sa sarili ng mga mayaman at matagumpay — susi ito sa pag-angat. Agosto nang sibakin si Mark Hurd bilang CEO ng Hewlett-Packard. Gamit ang galing at kuneksiyon, itinalaga sa sumunod na buwan na president ng Oracle. Kaibigan ni Hurd si Oracle founder Larry Ellson.

Ikaapat, sentido-komon. Maraming kadugo’t kaibigang nadenggoy sa pyramiding si Bernie Madoff kasi pinalusot nila ang marangya niyang pamumuhay. Nagpadala sila sa matatamis na pangakong imposible magkatotoo. Kung nagsuri lang nang konti ang investors niya, hindi sana sila natangayan ng $40 bilyon. Dapat sinabihan nila siya, “Ayoko!”

Kalima, bumili nang mura. Hindi komo kaya, magwawaldas na. Binili ni bilyonaryong John Paulson ang pinaka-aasam-asam na bahay nang bumagsak na ang presyo nito. May-ari si Tammy Gates ng shop sa New York ng murang name brands: Chanel, Gucci, Louis Vuitton, atbp. Karamihan ng mga suki ay bilyonaryong naghahanap ng bargain.

* * *

Lumiham sa [email protected]

BERNIE MADOFF

FARNOOSH TORABI

JOHN PAULSON

KARAMIHAN

LARRY ELLSON

LOUIS VUITTON

MARK HURD

MICHAEL JORDAN

NEW YORK

PETER GORENSTEIN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with