^

PSN Opinyon

Si Rep. Jackie Enrile

ORA MISMO - Butch M. Quejada -

WALANG pinoy ang dapat magutom sa Philippines my Philippines kaya ang gusto ni Cagayan 1st District Rep. Jack Enrile na magkaroon ng bigger funding para sa mga programang pang-agrikultura upang makamit ng Republic of the Philippines ang pagkakaroon ng ‘food sovereignty.’

 Bida ni Enrile, sa kabila ng pagkakaroon ng maraming batas na naipasa ng Kamara na may kaugnayan sa agrikultura, nagkaroon naman ng malaking problema dahil bigo ang malakanin este mali Malacañang pala na pondohan ang mga batas na ipinasa ng mga kongresista.

 Sabi nga, walang naging resolution sa nasabing isyu!

Naku ha.

Ano ba ito?

 Kuento ni Enrile sa mga kuwago ng ORA MISMO,  base sa official report ng Department of Budget and Management may kabuuang P500 billion halaga ng proyekto na may kinalaman sa agrikultura ang nabigong pondohan sa kabila na ang mga ito ay naisabatas na.

 Pinakamalaki dito ay para sa Agriculture and Fisheries Modernization Act of 2001  na nagkakahalaga ng P46.39 billion, na naaprubahan ng Kongreso upang suportahan ang kampanya para sa food, poverty alleviation at global competitiveness.

 Pinigsa este tinuligsa pala ni Enrile ang kabiguan na magpalabas ng P1.6 billion alokasyon para RA 8550 o ang Fisheries Code of the Philippines na naisabatas noon pang 1998.

 Sabi ni Enrile,  malaki ang pagkakaiba ng pagkakaroon ng food sovereignty sa pagkakaroon ng food security para sa ordinaryong mamamayan.

Maliban sa pagtiyak ng pagkakaroon ng sapat na pondo para sa programang pang-agrikultura, binanggit din ni Enrile ang pagpapalakas sa food independence sa pamamagitan ng pitong  mahahalagang aspeto na kinabibilangan ng:- Pagtutok sa agricultural infrastructure support, lalong higit ang pagbibigay ng libreng irigasyon para sa mga magsasaka; Pagtiyak ng pagkakaroon ng mababang interest-credit sa mga magsasaka.  Pagtanggal sa subsidiya ng mga export-oriented agriculture at isalin ang subsidiya sa mga grains, vegetable farmers at livestock growers.

Escape plan kay Ampatuan

IBINULGAR ng National Press Club of the Philippines ang umano’y P150 million bribe money  para sa pagtakas ni Mayor Andal Ampatuan at iba pang akusado na nakakulong ngayon sa Bureau of Jail Management and Penology (BJMP), sa Camp Bicutan, Taguig, Metro - Manila..

Ayon kay NPC President Jerry S. Yap, na may impormasyon na silang nakuha na itatakas sa anuman paraan ang mga akusado bago pa ang 1st anniversary ng Maguindanao massacre.

Inatasan ni Yap si NPC director Joel Egco, chairman ng  Press Freedom Committee ng nasabing organisasyon, na makipag-ugnayan kay BJMP direcotr Rosendo Deal para alamin ang nasabing impormasyon.

Kinumpirma ni Deal kay Egco, ang nasabing escape plan at ang umano’y P150 million bribe money.

Ayon kay Egco, may offer umanong P50 million bribe money sa isang Col. Moral, na BJMP jail warden pa noon may paunang bayad na P10 million ang iniaalok dito basta pumayag lamang sa plano at kung magtatagumpay ang nasabing operasyon ay agad siyang babayaran pa ng P40 million.

Sabi ni Egco, ang natitirang P100 milllion ay paghahatian na lamang umano ng iba pang opisyal na makukumbinsi sa pagtakas ng mga Ampatuan.

Ayon kay Egco, hindi tinanggap ni Moral ang pera at personal na hiniling kay Dral na tanggalin na siya bilang BJMP jail warden dahil hindi umano nito matanggap ang pressure.

Sinabi ni Egco, dahil sa pangyayaring ito inalis ni Deal si Moral at mahigpit na ipinag-utos sa kanyang mga tauhan na lagyan ng anuman uri ng mga materiales ang top roof ng kulungan ng mga Ampatuan para hindi magamit ito sakaling gamitan ng ‘aireal’ escape plan ang mga akusado.

Ayon kay Egco, hindi lingid kina DOJ Secretary Leila de Lima, SILG Jesse Robredo at PNP chief Raul Bacalzo ang impormasyon nabanggit dahil nagsumite ng intel report si Deal sa mga ito.

Matatandaan na inakusahan at nakakulong ngayon ang mga suspek sa Maguindanao massacre kung saan 58 ang sinasabing pinatay nila kabilang ang may 34 mamamahayag.

‘Gayunman, nananawagan si Yap sa publiko na magmatyag sa maaring mangyaring escape plan ng mga Ampatuan lalo’t christmas season ngayon buwan.

AGRICULTURE AND FISHERIES MODERNIZATION ACT

AMPATUAN

AYON

EGCO

ENRILE

KAY

PARA

SABI

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with