Palpak ang DBM
BINATIKOS ni Navotas Rep. Toby Tiangco ang Malacanang partikular ang Department of Budget and Management sa ginagawa nitong panggigipit dahil tatlong buwan ng iniipit ang P730 million 2010 budget na inilaan para sa Metro-Manila Development Authority (MMDA) at ang pagtapyas ng kanilang 2011 budget.
Sabi nga, nakakainis.
Nagbabala si Tiangco na maaring lumala pa ang mga problema sa baha, trapiko, transport management, solid waste disposal and management at ang higit sa lahat ay ang flood control kung titikisin ng Malacanang ang nabanggit na pondo.
Tama nga naman!
Ayon kay Tiangco, ginagawa ng MMDA ang kanilang trabaho para bigyan ng maayos na serbisyo ang publiko sa Metro - Manila kahit kapos ang kanilang pondo pero sa pangyayaring ito mukhang may case problem na.
Sinabi ni Tiangco, may P2.076 billion ang year-2010 approved budget ng MMDA pero tinapyasan ito ngayon ng DBM ng halos kalahati dahil may P981 million lamang ang inilaan para dito.
Bida ni Tiangco sa mga kuwago ng ORA MISMO, “how can we hold a government agency accountable if their cash allocation is not released on time?”
‘Hindi ba puro kapalpakan ang MMDA for the past years?’ Sabi ng kuwagong high blood sa traffic.
‘Totoo ‘yan’ sagot ng kuwagong SPO-10 sa Crame.
‘Dapat lang tapyasan ito ng pondo at ilagay na lamang sa ibang ahensiya ng pamahalaan’, sabi ng kuwagong maninisip ng tahong.
‘Marami role ang MMDA hindi lang sa traffic’, sabi ng kuwagong retired General.
‘Ano ang gusto mong mangyari?’
Sabi nga ni Rep. Tiangco, ibigay ang para sa MMDA.
Abangan.
Umpisa ng taas presyo sa Enero
UUNAHAN na pala ng management ng South Luzon Toll Company na mag-dagdag bayad sa mga vehicles na dadaan sa South Luzon Expressway next January 2011.
Dahil dito marami ang nag-iyakan dahil mabigat para sa kanila ang dagdag toll fee at kapag ipinatupad ito mapipilitan ang mga negosiante from the southern part na magtaas ng kanilang paninda para mabawi ang dagdag singil
sa SLEX.
Sabi nga, boomerang sa lahat!
Tapos na kasi ang TRO sa pagpapatupad ng 250 to 300% toll fee increase sa nasabing lugar.
Sa palagay ng mga kuwago ng ORAMISMO, alaws magagawa dito ang Toll Regulatory Board kundi ang maghintay ng patak ng ulan este mali kung magkano
pala ang itataas ng toll company.
Ayon sa mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, ang taas singil ay dahil nagpakumpuni ng mga kalsada ang management ng SLEX kaya sa gagawin pagtaasng
singil hindi daw aabot ng P300 ang itataas ng toll fee mula sa P87 na binabayaran mula Alabang hanggang sa Sto.Tomas, Batangas ng mga vehicle ng
dumadaan dito.
Abangan.
Pasabong ni Biyong
Paunlakan ang invitation ni Atty. Biyong Garing dahil may pa 3 - cock derby ito sa Victoria Cockpit Arena sa Victoria, Oriental Mindoro, sa Friday Dec. 10, 2010, 6pm. See you!
- Latest
- Trending