'Mga naka-tara(k) na punyal!'
AABOT ANG KAMAY ng pagkakaibigan sasaksakin ka naman sa likuran. Ugaling traydor ng ilang tao na hindi dapat pag-aksayahan ng panahon!
KAMAKAILAN naisulat ang impormasyon na nakarating sa akin na itong si JOJO LAVINIA ay banned sa Bureau of Customs (BOC) dahil sa paggamit umano nito ng pangalan umano ni Commissioner Lito Alvarez upang mangolekta ng TARA mula sa mga importers dahil malakas daw siya kay Com Alvarez.
Diretsong sinabi ng isang source sa loob ng Office of the Commissioner (OCOM) na itong si Lavinia ay ni hindi na nga pinapayagan pumasok sa loob ng kanilang tanggapan. Tanungin mo si Alvarez, Jojo Laviania kung sino ang aking source ng malaman mo! Hindi kita isusulat kundi reliable ang aking source!
Ilang araw pa lang ang nakararaan isang Molly (Moli?) Acuna naman ang tumawag sa akin matapos ilapit ng isang dating opisyal ng National Press Club at nagtatanong kung maari daw siyang tumawag sa akin.
Ang pangalang Molly (Moli) Acuna ay una ko ng narinig kay kaibigang Ben Tulfo na isa umanong ‘bag-man’ ni Alvarez.
Tumawag na itong si Acuna at pambungad na sinabi nito na natulungan ko raw minsan ang kanyang asawa na si Minerva ng magkaroon ito ng problema sa isang Mayor Latigo ng Baras.
May natulungan nga akong Minerva na kapatid ni Imelda Perles!
Nakilala ko itong si Minerva dahil napakabait ng pamilya nito. Si Imelda ay dating Clerk of Court ni Judge Gloria Aglugub at nung mga panahon na nakatira pa kami sa San Pedro nagpunta silang magkapatid sa akin upang ireklamo umano itong Mayor Latigo. Naayos naman ang lahat.
Sinabi nitong si Acuna na kilala daw niya umano si Vice Mayor Norvic Solidum ng San Pedro, Laguna. Okay fine whatever sabi ko sa sarili ko!
Itinanong ko na nga itong mga pangalang Acuna at Lavinia mismo kay Alvarez at sinabi nito na hindi niya kilala ang mga ito at ang huling pag-uusap namin ay nung Biyernes ng sabihin niyang mabuti pang i-set-up ang mga ito para mahuli kung ginagamit nga ang pangalan niya sa mga importers na magpalusot ng ‘smuggled-goods’.
“Mabuti pa ipa set-up na ang mga yan na gumagamit sa pangalan ko. Ang alam ko magbayaw daw ang mga ‘yan,” mariin sinabi ni Alvarez.
Mapilit na nakinausap sa akin itong si Acuna ipinaliwanag ko sa kanya na si Ben Tulfo ang maraming impormasyon tungkol sa kanya. Kinausap ko si Ben at sinabi niya na ayaw niyang makipag-usap kay Acuna.
Habang gusto ko sanang pagbigyan na mailabas ang panig nitong si Lavinia dahil sa mga negatibong info na nakakarating sa akin tungkol sa kanyang pagkatao, nakatanggap ako ng isang ‘forwarded text message’ na ang pinagmulan umano ay si Jojo Lavinia. Pinadala daw ito mismo kay Alvarez!
Lavinia, hindi ko na kailangan sirain ang pangalan mo dahil mismong mga taga BOC isinusuka ang pangalan mo. Huwag mo ng hintayin isa-isahin ko pa ang mga pangalan ng mga opisyales na nagbigay sa akin ng impormasyon na matagal na rin dyan sa BOC.
Hindi ko kailangan gamitin ang pangalan ni Alvarez o sabihin na malakas umano ako dito dahil wala akong pakialam d’yan sa BOC.
Kung anuman ang pagkakaibigan namin ni Alvarez, kung magkakilala nga kami, siya na lang ang tanungin ninyong magbayaw!
Okay din naman ang ‘tandem’ ninyo nitong si Acuna. Habang humihingi ng pabor yung isa… naninira naman yung isa!
Hintayin mo kaya Acuna ang detalyadong artikulo ko mula sa aktibidades mo sa San Pedro. Mga makinang ipinakikiusap mo na nahuli ni dating Kapitan Solidum. Ang pagdikit mo sa mga opisyal ng PNP, lalo na sa ‘Task Force Las Vegas’! Huwag kang mainip isusunod ko na yang artikulong ‘yan!
Tsk..tsk…tsk.. Ang kapal mo naman Lavinia na mambato ng intriga na baka bandang huli PAPUTUKIN ko ‘yan sa mukha mo!
Nilubos-lubos ko ang pakikipag-usap kay Alvarez ng ibahagi nito sa akin na maglalabas siya ng kautusan ngayong linggong ito na ipinagbabawal ang pag-su-subpoena ng sinumang opisyal ng BOC.
“Hindi na pwede mag-subpoena ang sinuman sa BOC sa mga importers para maiwasan ang negatibong epekto nito. Iba kasi ang persepsyon ng iba kapag sila ang naipapatawag para imbestigahan. Mula ngayon ako lamang ang maaring pumirma ng subpoena para ipatawag ang importer para maibestigahan,” ayon kay Alvarez.
Iminungkahi ko rin na maganda siguro ngayong pasko na itigil ng ilang mga opisyal ng BOC na lumibot sa tindahan ng mga importers kung wala naman silang ‘Mission Order’ na pimardo ng OCOM para hindi rin isipin na nanggigipit sila para makakuha ng ‘pamasko’.
Alam naman ng lahat na naging kalakaran na sa BOC na kapag dumarating ang Pasko ang mga importers ay hindi naman nakakalimot sa mga taong tumulong na madaliin ang proseso para magbayad ng tamang buwis sa gobierno!
“Nagbibigay naman kami ng pamasko lalo na’t buong taon naman kami nilang pinag-serbisyuhan. Hindi lang namin gusto ay yung pipilipitin ang aming kamay para maglabas ng pera dahil wala naman kaming violation,” sabi ng ilang importers.
Minsan ng ipinatupad yan sa tanggapan ng Bureau of Internal Revenue (BIR) na bawal maglibot ang kanilang mga kawani na mag ‘Merry Christmas’!
Wala rin naman masama na makatanggap ng regalo mula sa inyong mga kliyente na nakangiti ang kanilang mga mukha at hindi yung umiiyak at basa sa luha ang regalong ini-aabot sa inyo!
Sa mga gustong dumulog sa aming tanggapan ang aming mga numero, 09213263166 o sa 09198972854 at ang landline ay 6387285. Maari din kayo magpunta sa 5th floor CityState Center bldg., Shaw Blvd., Pasig City.
Ugaliing makinig sa ‘Hustisya para sa Lahat’, Lunes hanggang Biyernes 3-4pm at tuwing Sabado naman 7-8am sa DWIZ882 KHZ sa inyong AM band.
* * *
Email addres: [email protected]
- Latest
- Trending